Pangat
Pangat
Mag-ingat dahil may tatlong uri ng pangat o pinangát, depende sa kausap. Sa maraming Tagalog, kasingkahulugan ito ng paksíw. Sa Kabikulan, pangát ang popular na tawag sa láing.
Ang natatanging pangát ay pagluluto ng pinakuluang isda. Ngunit may pampaasim. Bago iluto ang isda sa pinakulong kaunting tubig ay inihuhulog muna sa palayok ang mga hiniwang kamyas at kamatis. May nagdadagdag pa ng sibuyas at nagwiwisik ng toyo. Ngunit bukod sa kamyas at kamatis ay ginagamit ding pampalasa sa pangát ang hinog na sampalok. Sa pangát na sinampalukan ay bawal ang toyo.
Mga munting isda, sariwa, at hindi makaliskis ang mainam ipangát. Halimbawa’y sapsap, salay-salay, pampano, hasa-hasa, talakitok, at tulingan. Iyong magkakasiya sa palayok. Tandaang kaunti lámang ang tubig na pinakuluan. Hindi mahalaga ang sabaw. Ang mahalaga’y tumiim sa isda ang pampaasim ngunit sa paraang hindi nawawala ang sariwang linamnam ng isda.
Pinagmulan: NCCA Official via Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pangat "