Pinais
Karaniwang maliliit na isda ang ginagamit, gaya ng dulong, tawilis at dilis, at inaasnan bago balutin sa dahon ng saging. Kailangan munang isalab sa apoy ang mga dahon ng saging bago gamiting pambalot. Kailangan namang ibalot ang mga isda upang hindi magkagutay-gutay o madurogang mga ito kapag lulutuin na.
Iniluluto ang mga binalot na isda sa kumukulong tubig na may kasamang karne ng baboy, sili, kamyas, sampalok, at iba pang gustong idagdag na pampalasa.
Iniluluto ito sa loob ng ilang oras hanggang sa lumabas ang katas ng mga isda. Sa ganitong pagkakaluto, madalîng kainin ang mga isda dahil napalambot na ang mga ulo at ang mga tinik.
Sa kasalukuyan, may mga pinais na gumagamit ng malaking isda at iba pang pagkaing dagat. Mainam na iulam ang pinais sa maiinit na kanin.
Pinagmulan: NCCA Official via Flickr
No Comment to " Pinais "