Dinuguan
May bersiyon itong tinatawag na tinúmis. Ang dugo ay hinahaluan ng mga maliit na piraso ng karne at mga hiniwang lamang-loob (bituka, puso, bagà) ng baboy.
(Karaniwang ang lamang-loob ay mula sa niletsong baboy. Hindi kasama ang atay dahil iniihaw at dinidikdik para gawing sarsa ng letson.) Nilalahukan ang lutuin ng suka upang umasim at siling habâ upang umanghang.
Ang tinumis ay maaaring iluto nang walang dugo ng baboy. Maaari ding gamiting pampaasim sa tinumis ang bunga ng kamyas o ang murang dahon ng sampalok. May tinatawag na tinúmis sa sukà na mga piraso ng karne ng baboy, atay, at bagà na pinakuluan sa suka.
Ang dinuguan ay kinakaing ulam sa kanin. Gayunman, mabigat din itong meryenda kasama ng pútong putî. Isinasawsaw nang todo ang púto sa umuusok na dinuguán o kayâ kinakagat ang púto kasunod ang sangkutsarang dinuguan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Dinuguan "