Putong
Ang putong ay anumang kasuotan, karaniwang tela, para sa ulo. Sa sinaunang tao, ang pútong ay maaaring nagsimula para sa praktikal na gamit. Maaaring pantakip ito sa ulo laban sa init, ulan, at proteksiyon laban sa anumang babagsak mula sa itaas. Naglalagay ng pútong noon ang nag-iigib upang higit na mainam ang pagbalanse ng sinusunong na banga hábang lumalakad. Ganoon din ang silbi ng tela sa ilalim ng sunong na bilao o bakul, lalo’t mabigat ang nilalaman.
Ngunit ang tunay na pútong ay simbolo ng karangalan, gaya ng pagsasabing “pútong na korona” para sa hari o para sa lakambini ng pagdiriwang. Para sa mga Muslim ang pútong ay nagsisilbing palatandaan na sila ay Muslim. Ang karaniwang kulay ng pútong na ginagamit ng mga Muslim na lalaki ay itim o anumang may iisang kulay. Samantala, ang pútong ng kababaihang Muslim ay may iba’t ibang kulay at disenyo na nagsisilbi ring palamuti sa kanilang katawan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Putong "