Ang bakol, o bakul sa ilang pook, ay isang uri ng basket sa Pilipinas na malaki, karaniwang may apat na sulok, may mababaw na lalim at walang hawakan.


Tulad ng iba pang basket, maaaring gawa sa linalang yantok, kawayan, o bule ang bakol. Sisidlan ito para mga bagay na kailangang dalhin nang maramihan, tulad ng mga prutas, gulay, isda, tinapay, bigas at karne ng iba’t ibang hayop, lalo na kapag namimilí sa palengke o naghahakot mula sa taniman.


Karaniwan ding ipinapatong ito ng kababaihan sa kanilang ulo at tinatakpan ng isa pang bakol upang hindi maarawan ang nakasilid .


Bukod sa lalagyan ng mga pinamili, ginagamit din sa paglalako ang bakol, lalo na’t ang paninda ay hindi magkakasiya sa bilao. Madalas na kapag may takip na ang bakol na nakasunong sa kanilang ulo ay nangangahulugan itong naubos na ang kanilang mga inilalakong paninda.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: