Ano ang vakul?


Ang vakul ay isang kasuotang tumatakip sa ulo at likurang bahagi ng katawan upang makanlungan laban sa matinding init ng araw.


Isinusuot ito ng kababaihang Ivatan kapag nagtatrabaho sa mga halamanan sa mabatong burol ng Batanes. Tradisyonal itong ginagawa ng kababaihan sa barangay Chavayan, isla ng Sabtang.


Mula ito sa pinatuyong dahon ng palmang vuyavoy at maninipis na himaymay ng abaka. Inihahalayhay at itinahi ang mga vuyavoy sa abaka.


Kapag suot, nasa ilalim nitó ang isang sisidlang backpack na may patigas na yantok at tinatawag na yuvuk. Nása yuvuk ang mga gamit sa paghahalaman.


Pinagmulan: NCCA Official


Mungkahing Basahin: