Binuo ang Cebuano Sarok o Takokong, isang kasuotang pang-ulo sa pamamagitan ng pagsulihiya sa tambo ng kawayan at hibla ng abaka.

Hugis alimusod o apa (cone shape) ang kabuuhang anyo nito na may disenyong bituin sa bahaging itaas. Ibinatay ang hubog nito sa pabago-bagong panahon ng bansa, ang papailalim na hugis nito ay upang maipananggala sa mataas na sikat ng araw ang mukha at tuwing umuulan.


Tinatayang sinimulan gamitin sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Makikita ang ganitong sombrero at mga kawangis na disenyo nito sa mga lugar tulad ng Zamboanga sa Mindanao gayun din sa lalawigan ng Cebu sa Kabisayaan.


Mungkahing Basahin: