Ang abaká (Musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng himaymay.


Berde ang mga dahon nito na kawangis ng dahon ng saging.


Bagaman nakakatulad ang anyo ng saging, madaling makilala ang abaka sa pamamagitan ng ilang katangian nito. Una, ang dulo ng dahon ng abaka ay mas patulis kompara sa saging. Pangalawa, ang ibabang bahagi ng dahon nito ay hindi pantay. Pangatlo, ang magkabilâng bahagi ng dahon nito ay parehong makintab at madulas.


Ang taas ng punong abaka ay umaabot nang apat hanggang walong metro. Katutubo sa Filipinas ang halamang ito sa Filipinas at pinaniniwalaang nagmula sa rehiyong Bicol.


Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka. Ang mga himaymay o hibla nito ay hinahabi upang maging tela na ginagamit sa paggawa ng damit o kortina. Ginagawa rin itong lubid, basket, at katulad.


Ang himaymay ay makukuha hindi sa mga dahon nito kundi sa pinakakatawan ng halaman na tinatawag ding saha. Ginagamit din ito sa paggawa ng kilalang papel na kung tawagin ay papel de manila o manila paper.


Ang punong abaka pati na ang puting himaymay na nagmumula rito ay tinatawag ding ibilaw, labayo, lain, at paguwa.


Mungkahing Basahin: