Abakáda ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang Tagalog at kumakatawan sa tawag sa apat na unang titik nitó (A-Ba-Ka-Da).


Ang abakáda ay binubuo ng 20 titik: A,B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P, R, S , T, U, W, Y.


Lima rito ang patinig (A, E, I, O , U) at labinlima ang katinig.


Ang mga titik na ito ang ginamit sa pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang pagsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. Sinusundan ng abakada ang papantig na pagbigkas ng mga titik ng wikang Tagalog na kalapit na kalapit rin sa mga sagisag ng baybáyin, ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Tagalog.


Sa pagbabago ng konsepto ng Wikang Pambansa tungo sa Pilipino at sakâ Filipino ay nadagdagan rin ang titik ng abakada. Pinalitan ito ng pinagyamang alpabeto na may 31 titik noong dekada 1970. Labing-isang titik ang idinagdag mula sa alpabetong Espanyol.


Kaugnay ng 1987 Konstitusyon at ng pagpapahayag sa Filipino bilang Wikang Pambansa, nirebisa at naging 28 ang titik ng alpabeto ng wikang Filipino. Pinanatili ang 20 titik ng abakada kasáma ang mga titik na C, F, J,Ñ, Q, V, X, Z at tinawag alinsunod sa alpabetong Ingles maliban sa katutubong NG.


Pinagmulan: Kermit Agwas


Mungkahing Basahin: