Bola-Bola
Sa pagluluto ng bola-bola, paghalo-haluin lamang ang mga sangkap tulad ng durog na karne, hiniwang gulay na karot, patatas, atsal at dahon ng sibuyas.
Kailangang tandaan na hindi dapat pino ang pagkakahiwa dahil mahirap kumapit ang mga ito sa isa’t isa at mahirap na gawing bilog.
Lagyan din ang pinaghalo-halong sangkap ng pampalasa tulad ng paminta, asukal, asin, at toyo. Haluan din ng binating itlog ang mga ito.
Kumuha ng isang kutsara ng pinaghalòng mga sangkap (o depende sa dami at laki ng gustong kalalabasan), ipagulong ito sa arina, at gawing bilugan ang hugis gamit ang mga palad ng kamay.
Pagkatapos mabilog ang lahat, iprito ang mga ito at hintaying maging kulay kayumanggi bago hanguin. Karaniwang inuulam ang bola-bola kasabay ng kanin. Karaniwan ding isinasawsaw ito sa ketsap.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bola-Bola "