Gulay
ito ng mga dahon, katawan, sanga, at ugat ng isang halaman. Ngunit hindi siyentipiko ang salita, at ang kahulugan sa pangkalahatan ay nakabatay lamang sa tradisyong pangkultura at sa mga bagay na may kinalaman sa pagluluto.
Dahil dito, dapat maging maingat sa paggamit ng salitang “gulay” upang maging tama o tiyak ang kahulugan nito. Halimbawa, para sa ibang tao, ang kabute ay itinuturing na gulay kahit sa katotohanan ay hindi naman ito isang tunay na halaman.
Sa pang-araw-araw na buhay, sa pamilihang bayan o maging sa mga usapang pagluluto, ang mga salitang “prutas” at “gúlay” ay magkahiwalay at talagang magkaiba. Ang mga bagay na nasa klasipikasyong prutas ay hindi maaaring isama sa grupo ng gulay, at ganoon din sa kabilang panig.
Para sa mga siyentista, ang salitang “prutas” ay may tiyak na botanikong kahulugan, isang bahagi na nagmula sa obaryo ng isang halamang nagbubulaklak—na lubhang kakaiba sa karaniwang kahulugan ng salitang ito.
Dahil dito, maraming produkto na karaniwan nang tinatawag na gulay, tulad ng talong, capsicum (bell pepper) at kamatis, ay prutas pala sa deskripsiyong teknikal. Lahat naman ng mga butil ay maaaring ituring na gulay o prutas, kasama na rin ang mga pampalasa tulad ng paminta at sili. Ang ibang halaman tulad ng mais at kadyos ay maaaring ituring na gulay kapag hilaw pa.
Gayunman, gulay ang tawag (at mahirap nang iwasto) sa petsay, letsugas, mustasa, labanos, sitaw, kalabasa, patola, atb pang nasa awit na “Bahay Kubo.” Mahalaga namang pagkain ang mga ito dahil sa idinudulot na sustansiyang pampalusog sa katawan.
Ipinapayo din itong lagi ng mga doktor upang makaiwas sa mga sakít na dulot ng sobrang karne sa mesa.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Gulay "