Paano palakasin ang inyong Immune System?
On Kalusugan
Madali ka bang mahawa sa mga sakit?
Narito kung paano palakasin ang inyong immune system.
- Regular na mag-ehersisyo.
- Magbilad sa araw ng di bababa sa labinlimang minuto tuwing umaga o hapon.
- Uminom ng di bababa sa 8 baso ng tubig araw-araw.
- Kumain ng gulay at prutas araw-araw.
- Gumamit ng mga pampalasa o spices sa pagkain tulad ng bawang, luya, sibuyas, paminta, cinnamon o nutmeg.
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa probiotics tulad ng yoghurt.
- Iwasan ang mga pagkaing may asukal at sa halip[ ay gumamit ng pulot o honey.
- Limitahan ang pag-inom ng alak.
- Iwasan ang paninigarilyo.
- Sikaping magkaroon ng di bababa sa 7 oras na tulog.
- Laging maging positibo at pagtibayin ang relasyon sa pamilya, kaibigan at iba pang support system na makakatulong mabawasan ang stress.
- Kung maaari, uminom ng multivitamins.
Pinagmulan: www.cdc.gov | www.nih.gov | www.health.harvard.edu
Unang naglathala: @IMReadyPH
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Paano palakasin ang inyong Immune System? "