8 Mabisang Pagkain para sa Immune System
Ang immune system ay nagtataglay ng iba’t ibang cells, proteins, at tissues na pumoprotekta sa katawan laban sa mga germs, bacteria, at viruses. Kapag mahina ang resistensya, ang katawan ay madaling kapitan ng sakit gaya ng allergy, asthma, at influenza virus.
Ang isa sa pinakaimportanteng cells ng immune system ay ang white blood cells. Ang white blood cells ang nag-pro-produce ng anti-bodies na lumalaban sa mga antigens o viruses na nakukuha ng katawan sa iba’t ibang paraan gaya ng paghawak sa maruruming bagay o pagkahawa sa mga taong may sakit. Maari rin humina ang resistensya dahil sa stress, paninigarilyo, at pagkain ng processed foods.
Maaaring kulang pa ang mga nutrients na ating nakukunsumo sa araw-araw. Malaki ang naidudulot ng diet sa ating katawan mabuti man o masama. Para makaiwas sa mga sakit ay rekomendang isama ang ilan sa mga masusustansiyang pagkain na ito na pampalakas ng resistensya.
Ang mga sumusunod ay ang walong (8) mabisang pagkain para palakasin ang immune system:
- Yogurt,
- Bawang,
- Luya,
- Tea,
- Sabaw ng manok,
- Kamote,
- Spinach, at
- Broccoli.
Yogurt – Ang good bacteria o probiotics na nakukuha sa yogurt ay epektibong pampalakas ng resistensya. Tiyaking may mga live o active cultures (lactobacillus and bifidobacterium strains) ang bibilhing yogurt. Ugaliing isama ang yogurt sa inyong diet.
Bawang – Matagal nang kilala ang garlic sa pagkakaroon nito ng maraming vitamins at minerals. Makikita ito sa halos lahat ng lokal na pagkain sa bansa. Ayon sa national Institute of Food Science and Technology, ito rin ay tumutulong magpababa ng cholesterol level at blood pressure.
Luya – Isa sa mga sikat na pampalasa ang luya na makikita sa iba’t ibang lokal na putahe gaya ng tinolang manok at escabeche. Ito rin ay mabisang anti-oxidant at maraming taglay na pampalakas resitensya gaya ng potassium, calcium, at manganese.
Tea – Ang pag-inom ng iba’t ibang klase ng tea gaya ng green, black, at
chamomile ay hindi lamang mabisa sa immune system, ito rin ay nakapagpapaganda ng balat ayon sa National Geographic. Ang tea ay may mga anti-oxidants gaya ng polyphenols at flavanoids na pumupuksa sa mga free radicals na pumapasok sa katawan. Isa rin itong pinagmumulan ng amino acid L-theanine na tumutulong lumikha ng germ fighting compound sa T-cells.
Sabaw ng manok – Ang sabaw ng manok ay nagtataglay ng vitamin A at C, magnessium, phosphorous, sodium, at iba pang mga anti-oxidants. mayroon din itong protein na mabisang panlaban sa impeksyon. At dahil ito ay likido (liquid), madali itong mahigop at ma-digest ng taong may sakit para makaiwas sa dehydration at mapabilis ang pag- galing.
Kamote – Ang kamote ay mayroong beta-carotene na nagco-convert bilang bilang vitamin A sa loob ng katawan. Ang pagkain ng kamote ay mabisang panlaban sa mga free radicals na nakapipinsala sa immune system. Ang kalabasa at carrots ay ilan din sa mga mayaman sa beta-carotene na madaling mabili sa bansa.
Spinach – Ang spinach ay isang madahong gulay na nagtataglay ng folate na tumutulong gumawa ng new cells at mag-repair ng DNA cells sa ka katawan. Mayroon din itong beta-carotene, vbitamins A, C, at K na mga nutrients na mabisa para sa healthy immune system.
Broccoli – Ang broccoli ay kinikilala bilang isa sa pinakamasustansyang pagkain sa mundo. Ito ay nagtataglay ng mababang calories at mayroong vitamins at minerals gaya ng vitamins A, C, at E at mga anti-oxidants na mabisang pang-iwas at panlaban sa mga sakit gaya ng diabetes at cancer.
Pinagmulan: Healthy Info
Orihinal na naglathala: Ritermed
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mabisang Pagkain para sa Immune System "