Chamomile Tea: Para sa Tulog, Tiyan at Nerbyos


Chamomile Tea: Para sa Tulog, Tiyan at Nerbyos

Payo ni Doc Willie Ong


Maraming tao and nasisiyahan sa chamomile tea. Ito ang mga posibleng benepisyo sa pag-inom ng chamomile tea:


1. Maaaring mapabuti ang kalidad ng pagtulog - Ang Chamomile tea ay naglalaman ng apigenin, isang uri ng antioxidant na nagsusulong na makatulog ka. Sa isang pag-aaral, ang taong kumo-konsumo ng 270 mg ng katas ng chamomile tea 2 beses bawat araw sa loob ng 1 buwan ay nagkakaroon ng 33% na mas magandang tulog at mas mabilis makatulog ng 15 minuto kesa sa hindi umiinom nito.


2. Maaaring mapaayo ang panunaw mo - Limitado lamang ang ebidensya pero ayon sa ilang pag-aaral, ginagamit ito upang gamutin ang ilang mga karamdaman sa panunaw, kabilang ang pagduduwal at hangin.


3. Maaaring maprotektahan laban sa kanser - Ang isang uri ng antioxidant na matatagpuan sa chamomile tea ay naiuugnay sa mababang insidente ng ilang uri ng kanser, katulad ng kanser sa thyroid.


4. Maaaring may benepisyo sa pag-kontrol ng blood sugar – Hindi pa ito tiyak. Pero ayon sa isang pag-aaral ng 64 taong may diabetes, ang mga taong umiinom ng chamomile tea araw-araw sa loob ng 2 buwan ay mas bumaba ang antas ng blood sugar.


5. Maaaring makatulong sa puso - Ang chamomile tea ay sagana sa mga flavones, isang klase ng antioxidant na posibleng magpababa ng blood pressure at antas ng kolesterol.


6. Maaaring makatulong sa depresyon – May mga pagsasaliksik na ang chamomile ay posibleng mabawasan ang sobrang pangamba at depresyon.


Ang pag-inom ng chamomile tea ay ligtas para sa maraming tao. Bihira lang kaso na nagkakaroon ng allergy.


Maraming mga tao ang nasisiyahan sa pag-inom nito para sa masarap na lasa at nakaka-relax na amoy.


Pinagmulan: @docwillieong


Mungkahing Basahin: