Sapat na ba ang 4 to 6 oras na tulog kada araw?
Sapat na ba ang 4 to 6 oras na tulog kada araw?
Kung ikaw ay isang NSS o Natural Short Sleeper (mga isang porsyento lang ng populasyon ang meron nito) , sapat na ang 4 hanggang 6 na oras ng tulog.
Sa pangkalahatan, ilan ba ang inirerekomenda para masabing sapat ang tulog, nakadepende yan sa edad, sa mga
sanggol o musmos (infant) - 12 hanggang 16 oras na tulog
paslit (toddler) - 11 hanggang 14 oras na tulog
pre schooler (3 - 6 taong gulang) - 10 hanggang 15 oras na tulog
school age (6 - 12 taong gulang) - 9 hanggang 12 hours na tulog
tinedyer - 10 - 12 oras na tulog
nasa hustong gulang (adult) - 7 oras
Bakit kailangang 7 oras sa Adult?
Pag natutulog tayo, meron kasi tayong tinatawag na Sleep Cycle, sa isang cycle (ikot) meron itong 4 stages (mga yugto) at para makumpleto ang isang cycle kailangan ng 90 hanggang 110 minuto pero ilang sleep cycles ba ang kailangan para mapapanariwain at manumbalik ang kalusugan ng katawan?
Katampatang 4 cycles
Sa isang cycle ay merong 4 na yugto, ano ba yung 4 na yugto ng tulog?
1. Unang yugto - ito yung mababaw na tulog, 1 hanggang 7 minuto per cycle (bawat yugto)
2. Pangalawang yugto - ito yung malalim na tulog, 10 hanggang 25 minuto per cycle
3. Pangatlong yugto - ito yung pinakamalalim na tulog, 20 hanggang 40 minuto per cycle at dito sa yugto na ito ng tulog nagaganap ang slow-wave sleep kung kailan ang katawan natin ay nagkukumpuni at gumagawa ng mga buto at kalamnan at nagpapalakas ng immune system.
4. Pang-apat na yugto -ito yung tinatawag na Rapid eye movement o mabilis na paggalaw ng mata na yugto ng tulog. Sa yugtong ito ang, ang aktibo lang ay ang muscle ng mata na gumagalaw ng side to side ay syempre yung muscle natin sa paghinga pero yung muscles natin sa mga braso at binti ay paralisado, hindi natin maigalaw, ito yung paliwanag ng sleep paralysis. May mga panahon kung kailan nagigising tayo sa kalagitnaan ng atin tulog, kung nagising tayo sa gitna ng Stage 1, 2, 3, walang sleep paralysis na magaganap pero kung minalas ka at magising ka sa gitna ng stage 4 duon ka makakaranas ng sleep paralysis. Ayon sa mga pananaliksik, pag ikaw ay may chronic sleep deprivation (talamak na kawalan ng tulog) o pagkawala ng tulog sa nakasanayang 7 oras.
Ito ay maaaring humantong sa mas mataas na panganib ng mga sumusunod na sakit:
1. Obesity
2. Diabetis
3. heart disease
4. high blood pressure
5. anxiety symptoms
6. depressed mode
7. excess alcohol drinking at
8. mahinang immune system
Pinagmulan: Instagram/kilimanguro
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sapat na ba ang 4 to 6 oras na tulog kada araw? "