Jocelynang Baliwag
Ang nakalimbag na bersiyon nito ay inihandog kay Pepita, isang Bulakenya. Ang pagturing dito bilang “Kundiman ng Himagsikan” noong dekada 1890 ay nagpapatunay sa mga haka na ang awit ng pagibig katulad ng kundimang ito ay maaaring tumukoy sa pag-ibig sa Inang Bayan.
Banggit nga ni Antonio Molina, “ito ang himig na nagbibigay buhay at gumigising sa kanilang mga alaala noong mga kaligayahang sandali ng pag-uulayaw at pagsusuyuan: wari bagang nababanaag nila sa himig at aliw-iw nito ang larawan ng inang minamahal, kabiyak ng puso o ang mga anak na pinagbuhusan ng paglingap.” Ang titik at himig ng kundiman ay pumupukaw sa damdamin at nagbibigay lakas at tapang upang ipagtanggol ang Inang Bayan.
Narito ang titik ng awit:
P – inopoong sinta niring calolowa,
nacacawangis mo’y mabangong
sampaga,
dalisay sa linis, dakila sa ganda,
matimyas na bucal ng madlang ligaya.E – deng masanghayang kinaluluclucan
ng galac at towang catamistamisan,
hada kang maningning na ang
matunghaya’y
masamyong bulaclac agad sumisical.P -inananaligan niring aking dibdib;
na sa paglalayag sa dagat ng sakit,
di mo babayaang malunod sa hapis,
sa pagcabagbag co’y icaw ang sasagip.I -caw nga ang lunas sa aking dalita
tanging magliligtas sa linuhaluha,
bunying binibining sinucuang cusa
niring catawohang nangangyupapa.T -ang[g]apin ang aking wagas na
pag-ibig,
marubdob na ningas na taglay sa
dibdib,
sa buhay na ito’y walang linalangit
cung di icaw lamang, ilaw niring isip.A -t sa cawacasa’y ang capamanhican
tumbasan mo yaring pagsintang
dalisay,
alalahanin mong cung di cahabagan
iyong lalasunin ang aba cong buhay.
Mayroong ikalawang bersiyon ang “Jocelynang Baliwag” na binanggit si Molina. Nasa sulat-kamay ito nang matuklasan ni Jose Zulueta.
No Comment to " Jocelynang Baliwag "