Pepita

Para sa pag-alala sa ika-50 taong anibersaryo ng kamamatayan noong Oktubre 26 ni Josefa Tiongson o mas kilala sa tawag na Pepita ay sama-sama nating tunghayan ang pagpapasinaya sa kanyang panandang pangkasaysayan na gaganapin sa ika-26 ng Nobyembre sa ganap na ika-8 ng umaga sa Glorietta Park, Poblacion, Baliwag City, Bulacan.


Pagkatapos ay kilalanin pa nang lubusan si Pepita sa kasunod na lektura sa ganap na ika-9 ng umaga sa Knights of Columbus Hall (katabi ng Simbahan ng San Agustin). Panauhing tagapagsalita sina G. Ian Christopher Alfonso, historyador at propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas na siya ring sumulat ng aklat tungkol sa Jocelynang Baliwag. Makakasama rin si G. Karl de Santos, inapo ni Pepita.


Mungkahing Basahin: