-->

Pambansang Selyo ng Pilipinas

 

Pambansang Selyo ng Pilipinas

Ang Pambansang Selyo at Eskudo ng Pilipinas ay ang larawan sa itaas.


Ito ang ating pambansang selyo at eskudo mula pa nuong 4 Hulyo 1946 - hanggang sa kasalukuyan.


Ang ating pambansang selyo at eskudo ay sa bisa ng Konstitusyong Pilipinas ng 1987; Kodigong Administratibo ng 1987; Batas Republika Blg. 8491.



Mungkahing Basahin:

Pambansang Sawikain ng Pilipinas

 

Pambansang Sawikain ng Pilipinas

Ang Pambansang Sawikain ng Pilipinas ay "Maka-diyos, Maka-tao, Makakalikasan, at Makabansa".


Ito ang ating pambansang sawikain mula pa nuong 22 Pebrero 1998 - hanggang sa kasalukuyan.


Ang ating pambansang sawikain ay sa bisa ng Batas Republika Blg. 849 (1998).


Mungkahing Basahin:

Pambansang Puno ng Pilipinas

 

Pambansang Puno ng Pilipinas

Ang Pambansang Puno ng Pilipinas ay Narra (Pterocarpus indicus).


Ito ang ating pambansang puno mula pa nuong 1 Pebrero 1934 - hanggang sa kasalukuyan.


Narra ang ating pambansang puno sa bisa ng Proklamasyon Blg. 652 (1934).



Mungkahing Basahin:

Pambansang Bulaklak ng Pilipinas

 

Pambansang Bulaklak ng Pilipinas

Ang Pambansang Bulaklak ng Pilipinas ay Sampaguita (Jasminum sambac).


Ito ang ating pambansang bulaklak mula pa nuong 1 Pebrero 1934 - hanggang sa kasalukuyan.


Sampaguita ang ating pambansang wika sa bisa ng Proklamasyon Blg. 652 (1934).

Hindi lang ang ating pambansang ibon ang makikita sa 1000-piso polymer banknote, kundi pati ang ating pambansang bulaklak, ang sampaguita.


Sumasagisag ang sampaguita sa kadalisayan, kapayakan, pagpapakumbaba, at katatagan.


Ang 1000-piso polymer banknote ay bahagi ng First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series na ilalabas na sa Q1 2025.


Samantala, ang perang papel ay mananatili sa sirkulasyon kahit pa mailabas na ang iba pang denominasyon ng perang polymer.


Mungkahing Basahin:

Ano ang Food-for-Work Program?

 

food for work program

Ano ang Food-for-Work Program?


Ang Food-for-Work o FFW ay isang programa ng DSWD na naglalayong matugunan ang kakulangan sa pagkain ng mga bulnerableng sektor at ito ay isa sa mga Early Recovery Services ng ahensya sa mga higit na naapektohan ng isang kalamidad.


Ang Food-for-Work Program o FFW ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isang programa sa ilalim ng Disaster Response Management Division (DRMD) na nakatuon sa maagang pagbangon ng mga pamilyang naapektohan ng kalamidad.


Sa ilalim ng FFW Program, ipinamamahagi ang Family Food Packs (FFPs) bilang kapalit ng trabaho na isinasagawa ng mga benepisyaryo sa kanilang komunidad.


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin:


Ano ang C-P-R Campaign ng BSP?

 

Ano ang C-P-R Campaign ng BSP

Ano ang C-P-R Campaign ng BSP?


Ang C-P-R ay isang information drive ng Bangko Sentral ng Pilipinas, kasama ang financial service industry.


Layunin nito na i-promote ang tinatawag nating cyber hygiene sa ating financial consumers.


Para maprotektahan ang ating mga sarili, kailangan nating i-practice ang C-P-R.


Check - i-check kung ang kausap o mensahe ay lehitimo at ang impormasyon ay tama.


Protect - Protektahan ang ating personal at account information. Hindi kailanman hihingin ng financial service providers ang password o OTP (One-Time Password) ng konsyumer. Huwag i-share ang inyong OTP o password.


Report - I-report sa financial institution ang mga kahina-hinalang aktibidad sa inyong account para maaksyunan nila agad ito.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

P.E.R.A NOW, PERA LATER? PAANO?

 

P.E.R.A NOW, PERA LATER? PAANO

P.E.R.A NOW, PERA LATER? PAANO?


Sa investment sa Personal Equity & Retirement Account o P.E.R.A., makakaipon ka ng pera para sa pangarap mong early retirement!


Maraming tax benefits ang PERA upang mapabilis ang paglago ng retirement fund mo. Una, mayroong 5% tax credits sa taunang hulog mo. Ikalawa, tax-free ang kita ng iyong investment. Ikatlo, walang tax sa distribution at pagpapamana.


Ang PERA ay isang boluntaryong retirement investment program na pinapatupad ng gobyerno kasama na ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa abot-kayang halaga, makakapagsimula ka na ng sarili mong retirement fund!


Interesadong magkaPERA? See BSP‘s PERA FAQs https://www.bsp.gov.ph/Pages/InclusiveFinance/PERA_FAQs1.aspx and explainer video https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/videos/1016818909585507 to learn more.


Handa ka na mag-invest? Magpunta lamang sa mga PERA administrators at platforms na ito: PERA Administrators

ATRAM - https://www.atram.com.ph

BDO - https://www.bdo.com.ph/PERA/requirements

BPI - PERA (Personal Equity & Retirement Account) bpiassetmanagement.com


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin:

Kontra Bulate at Schistosomiasis tuwing buwan ng Enero

kontra bulate

Sabayang gamutan (Mass Drug administration) Kontra Bulate at Schistosomiasis tuwing buwan ng Enero!


Ang buwan ng Enero ay Schistosomiasis Awareness & Mass Drug Administration Month


Oplan Goodbye Bulate


Alamin kung ano ang sakit na ito at kung paano to maiiwasan.


Pinagmulan: PIA_RIII


Mungkahing Basahin:

Learners Telesafe Contact Center Helpline

Learners Telesafe Contact Center Helpline

 Learners Telesafe Contact Center Helpline


ANG PANG-AABUSO AY KRIMEN. LABANAN ITO.

Tumawag sa Learner Rights and Protection Office (LRPO) upang I-report ang mga kasong pang-aabuso laban sa mga mag-aaral.


Learners Telesafe Contact Center Helpline

(02) 8632-1372

0945-175-9777

weprotectlearners@deped.gov.ph

DepEd Learner Rights and Protection Office


Pinagmulan: @chrgovph


Mungkahing Basahin: 

Pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas

 

Pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas

Pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas


Alam mo ba na ang Pilipinas ay nag-aangkat ng Instant Coffee?


Mula Enero hanggang Oktubre 2023, ang kabuuang halaga ng importasyon ng instant coffee ay nasa 422.51 milyong dolyar o may katumbas na dami na 138.90 metrikong tonelada.


Ang Bansang Indonesia ang pangunahing supplier ng instant coffee sa Pilipinas.


Ang importasyon dito ng instant coffee mula Enero hanggang Oktubre 2023 ay may kabuuang halaga na 332.48 milyong dolyar o may dami na 121.51 metrikong tonelada.


Pinagmulan: @PSAgovph


Mungkahing Basahin:

Ano ang konstitusyon?

 

konstitusyon

Ano ang konstitusyon?


Ang konstitusyon o kilala rin bilang saligang batas ay kinikilala bilang pinakamahalagang batas sa isang bansa. Ito ay kumakatawan sa isang kasunduan sa pagitan ng mga mamamayan para bumuo ng iisang balangkas ng mga alituntunin na siyang gagabay sa kanilang pakikipagkapwa at pamumuno sa isa’t isa.


Sa konstitusyon nakapaloob ang mga pinakamahalagang karapatan na nagbibigay ng proteksyon sa buhay, isipan, at ari-arian ng mga mamamayan. Madalas dito rin nakapaloob ang balangkas ng pamahalaan at ang magiging itsura nito.


Sa Kasaysayan ng Pilipinas, mayroon lamang limang (5) pagkakataon kung saan bumuo at naglathala ang sambayanang Pilipino ng isang saligang batas na siyang gumabay sa pagbuo ng ating bansa. Ito ang 1899 Constitution na bumuo sa Unang Republika ng Pilipinas, and 1935 Constitution na siya naming basehan ng Komonwelt, ang 1943 Constitution noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang 1973 Constitution noong panahon ng Batas Militar, at ang kasalukuyang 1987 Constitution na nabuo matapos ang EDSA People Power Revolution ng 1986.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin:

Alamin kung ano ang Electronic Benefit Transfer (EBT) Card

 

Alamin kung ano ang Electronic Benefit Transfer (EBT) Card na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP).


Ang bawat benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP) ay binigyan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na may laman na Php 3,000 food credit. Ito ang ipinambibili ng mura at sariwang mga pagkain sa mga KADIWA food stalls at iba pang DSWD-accredited na tindahan.


Magagamit ang EBT card ng mga kwalipikadong benepisyaryo upang mamimili ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain na mula sa tatlong (3) grupo na binubuo ng 50% carbohydrates, 30% protein, at 20% fiber para sa kanilang pamilya.


Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin:

Sinu-sino ang mga napiling benepisyaryo ng Food Stamp Program

 

benepisyaryo ng Food Stamp Program

Sinu-sino ang mga napiling benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP)?


Ang mga benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP) ay natukoy mula sa isang milyong pinakamahirap na sambahayan na mula sa Listahanan 3 ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).


Ang “WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program" ay naglalayon na matugunan ang gutom na nararanasan ng mga pamilya dahil sa mababang kita. Nais ng programang ito na masuportahan ang mga pamilyang Pilipino para matulungan sila na maging mas produktibong mamamayan at maging kabahagi ng pag-unlad ng bansa.


Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin:

Anu-ano ang mga layunin ng Food Stamp Program?

 

layunin ng food stamp program

Alamin kung anu-ano ang mga layunin ng Food Stamp Program (FSP).

  1. Magbigay ng pagkain sa mga sambahayan sa pamamagitan ng tulong pinansyal gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards.
  2. Magtatag ng mga sistema at mekanismo upang maging abot-kamay ang mga serbisyo para wakasan ang kagutuman.
  3. Mapalakas ang kakayahan ng mga tagapagpatupad ng programa.
  4. Mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng sambahayan na mapalawak ang kakayanan upang makahanap ng trabaho at iba pang pagkakakitaan.
  5. Mahikayat ang mga sangay ng gobyerno pati na rin ang mga Small and Medium Enterprises, pribadong negosyo, Kadiwa at iba pang mga institusyon bilang mga kaagapay sa pagpapatupad ng programa.


Ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) ay isa sa priority program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang labanan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay ng PHP 3,000 food credits sa Electronic Benefit Transfer (EBT) card ng mga kwalipikadong benepisyaryo.


Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin:


Ano ang Food Stamp Program?

 

Ano ang Food Stamp Program

Ano ang Food Stamp Program?


Ang “WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program" ay naglalayon na matugunan ang gutom na nararanasan ng mga pamilya dahil sa mababang kita. Nais ng programang ito na masuportahan ang mga pamilyang Pilipino para matulungan sila na maging mas produktibong mamamayan at maging kabahagi ng pag-unlad ng bansa. Ninanais din ng programa na magkaroon ng kakayanan ang mga pamilyang mamili at kumain ng masustansyang pagkain.


Ang FSP ay isa sa priority program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang labanan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay ng PHP 3,000 food credits sa Electronic Benefit Transfer (EBT) card ng mga kwalipikadong benepisyaryo. 


Upang masiguro na makakakain ang mga pamilya ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain, ang maaari lamang na mabiling pagkain ay mula sa tatlong (3) grupo ng pagkain na binubuo ng 50% carbohydrates, 30% protein, at 20% fiber.


Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin:

Ano ang Cash-For-Work (CFW)?

 

Ano ang Cash-For-Work (CFW)

Ano ang Cash-For-Work (CFW)?


Ang CASH-FOR-WORK ay ang pag-bibigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga benepisyaryong saklaw ng programa. Sa pagpapatupad ng RRP-CCAM-DRR, sampung (10) araw na magtatrabaho ang mga benepisyaryo kapalit ng kompensayong katumbas ng regional minimum wage kada araw.


RRP-CCAM-DRR - Risk Resiliency Program on Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction.


Anu-Ano ang mga Batayan upang Mapabilang sa RRP-CCAM-DRR?

  1. Nabibilang sa mahirap na pamilya
  2. National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) identified
  3. Benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program
  4. 18 years old pataas


Anu-Ano ang mga proyerkto ng programa?

  1. Environmental conservation and rehabilitation
  2. Small-scale construction or repair of community infrastructures such as health stations, daycare centers, and schools
  3. Food and Water Security Interventions
  4. Complementation to the other DSWD OBSUs, and NGA programs and services (i.e EPAHP, SLP, KALAHI CIDSS, NRIMB/RROS, DENRs NGP etc.).
  5. Other environmental and community activities and projects


Pinagmulan: @dswdfo5


Mungkahing Basahin:

Turismong Pangkultura at Pang-pamana

 

Turismong Pangkultura at Pang-pamana

Turismong Pangkultura at Pang-pamana 


Isang uring gawaing panturismo kung saan ang pangunahing pakay ng isang bisita ay matutunan, matuklasan, maranasan, at manamnam ang materyal at di-materyal na atraksyon/

produktong pangkultura sa isang panturismong destinasyon.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin:

Diwa ng Lunan

 

diwa ng lunan

Diwa ng Lunan


Ang mga nasasalat (mga gusali, pook, tanawin, landas, gamit) at di-nasasalat (mga alaala, naratibo, kasulatan, ritwal, pagdiriwang, kaalamang tradisyonal, asal, tekstura, kulay, amoy, atbp.) na elemento, na masasabing mga pisikal at espiritwal na elementong nagbibigay kabuluhan, halaga, emosyon, at misteryo sa isang lugar.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin:

Mahalagang Yamang Pangkalinangan

 

mahalagang yamang pangkalinangan

Mahalagang Yamang Pangkalinangan 


Isang opisyal na uri ng deklarasyon ng mga ahensyang pang-pamana sa Pilipinas na tumutukoy sa pambihirang ari-ariang pangkultura na nagtataglay ng natatangi na makasaysayan, pang- kultural, pansining, at pang-agham na halaga, at kilala rin bilang Grade II na Ari-Ariang Pangkultura.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin:

Pook Pamana

 

pook pamana

Pook Pamana 


Isang tiyak na nasasakupan na may pambihirang halagang pang-pamana na opisyal na idineklara ng mga ahensyang pang-pamana sa Pilipinas na pinangangasiwaan ng pambansa o lokal na pamahalaan para sa proteksyon at preserbasyon upang ipagpatuloy at paigtingin ang kabuluhan nito sa pamayanan at sa bansa.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin:

Buhay na kasaysayan at pagsasadula

 

buhay na kasaysayan at pagsasadula

Buhay na kasaysayan at pagsasadula


Isang interaktibo at panturong gawain na naglalayong muling buhayin at likhain ang mga piling aspeto o sulyap ng isang panahong makasaysayan sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga gamit, kasuotan, kaganapan, at lugar na makasaysayan, kabilang ang mga replika ng mga iyon.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin:

Mag-Gulay Para Humaba Ang Buhay

 

mag-gulay para humaba ang buhay

Mag-Gulay Para Humaba Ang Buhay

Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong


Sinulat ang artikulo para itama ang mga maling paniniwala. Mayroong nagsasabi na dapat daw umiwas sa ilang klaseng gulay kung may high blood. Wala po itong katotohanan.


Mga Maling Paniniwala:

1. Maberdeng gulay at high blood pressure – Ang high blood pressure ay puwedeng makuha sa sobrang alat ng pagkain at pagtaas ng kolesterol. Ang gulay ay nagpapababa ng kolesterol kaya makatutulong ito sa may high blood. Hindi po pareho ang kulang sa dugo (anemia) at presyon ng dugo (blood pressure). Ang gulay ay makatutulong din sa anemia dahil sa sangkap nitong iron.

2. Gulay tulad ng repolyo, kamoteng kahoy at broccoli – Hindi po bawal ang pagkain ng gulay sa goiter. Ang goiter ay puwedeng magmula dahil sa kakulangan sa iodine. Nakukuha ang iodine sa seafoods at iodized salt. Pero siyempre dapat balanse ang diyeta at sari-saring gulay ang kainin natin. Linisin at lutuin ang gulay bago kainin.


Heto Ang Benepisyo Ng Gulay:

1. Para kumpleto sa bitamina – Ilan sa mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na sangkap.

2. Panlaban sa sakit - Ang gulay ay maganda ring panlaban sa sakit tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, diabetes, at sakit sa tiyan.

3. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10%. Makatutulong ang gulay sa pag-iwas sa colon cancer, breast cancer at marami pang kanser.

4. Para maging regular ang pagdumi – Malaki ang tulong ng gulay sa ating tiyan at bituka. Mataas ito sa fiber na parang nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.

5. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa vitamin B, na makatutulong sa ating ugat (nerves) at makababawas sa stress.

6. Para manatiling bata at malusog ang katawan – Ang pagkain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas bawat araw ang rekomendasyon ng mga eksperto.

Sa mga ayaw pa rin kumain ng gulay, ano naman po ang balak nating kainin? Karneng baboy o baka ba?


Pinagmulan: @docwillieong


Mungkahing Basahin:


Pamanang Di-Nasasalat / Buhay Na Dunong

 

pamanang di-nasasalat

Pamanang Di-Nasasalat / Buhay Na Dunong 


Isang uri ng pamana na kabilang ang mga gawain, pahayag, kaalaman, at kasanayan, kabilang din ang mga instrumento, gamit, at artepaktong iniuugnay sa mga iyon, na kinikilala ng mga pamayanan, grupo, at indibidwal bilang bahagi ng kanilang pamanang pangkultura.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin:


Pamana

 

pamana

Pamana


Ari-arian na nagtataglay ng katandaan, gaya ng isang materyal na bagay/istruktura o di-materyal na tradisyon, na pinahahalagahan at pinapasa sa mga salinlahi.


Pinagmulan: @rebirth.manila


Mungkahing Basahin: