selyong garing ng butuan

Selyong Garing ng Butuan (Butuan Ivory Seal)


Ito ay natagpuan sa isang sinaunang tambakan ng kabibe sa Ambangan, Libertad, Lungsod ng Butuan noong dekada 70.


Ayon kay Dr. Anton Postma, ang mga nakasulat dun ay sinaunang Javanese o nakaistilong panulat na Kawi na tumutukoy sa “But-ban” (Bautista 1990).


Isang Olandes na iskolar ng sinaunang panulat sa Indonesia, si Johannes Gjisbertus de Casparis, ang siyang bumasa nito bilang “But-wan”, mga katagang tumutukoy  sa kasalukuyang  pangalan ng lugar (Hontiveros 2004).


Ito ay kasama ang mga arkeolohikal na materyal na nakuha sa Ambangan ay nagpapatunay na ang Butuan ay isang mahalagang sentrong pangkalakal na kung saan ang opisyal na selyo ay nagamit sa pagmarka ng pinagmulan ng mga produkto at ang kinahahatnan nito (Hontiveros 2004).


Pinagmulan: fb/nmenmindanao via “Baybayin” National Museum of the Philippines (2014)


Mungkahing Basahin: