Binatbatang Bakal ng Butuan
On Pamumuhay
Ang Binatbatang Bakal ng Butuan o Butuan Paleograph ay tumutukoy sa isang piraso ng parihabang metal na may ibinatbat o iniukit na sinaunang mga titik ng pagsulat.
Ang nasabing metal ay may tinatayang edad na mula ika-12 hanggang ika-15 siglo at naglalaman ng 22 simbolo na inukit gamit ang matulis na bagay. Nahukay ito noong kalagitnaan ng 1970 sa Butuan, lalawigan ng Agusan.
Hindi pa naisasalin ang kahulugan ng inskripsiyon dahil hindi ito katulad ng mga sinaunang baybayin sa Pilipinas.
Ayon sa paleographer na si S.S. Boechari ng Indonesia, maaaring nag-ugat ito sa sistema ng panulat sa Java. Isa itong patunay sa kasanayan ng katutubong mga Filipino sa pagsusulat at pakikipag ugnayan sa ibang mga kabihasnan sa ibayong dagat.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Binatbatang Bakal ng Butuan "