Alamin kung ano ang Electronic Benefit Transfer (EBT) Card
Alamin kung ano ang Electronic Benefit Transfer (EBT) Card na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP).
Ang bawat benepisyaryo ng Food Stamp Program (FSP) ay binigyan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na may laman na Php 3,000 food credit. Ito ang ipinambibili ng mura at sariwang mga pagkain sa mga KADIWA food stalls at iba pang DSWD-accredited na tindahan.
Magagamit ang EBT card ng mga kwalipikadong benepisyaryo upang mamimili ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain na mula sa tatlong (3) grupo na binubuo ng 50% carbohydrates, 30% protein, at 20% fiber para sa kanilang pamilya.
Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/
Pinagmulan: @dswdfo5
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Alamin kung ano ang Electronic Benefit Transfer (EBT) Card "