Ano ang Food Stamp Program?
Ano ang Food Stamp Program?
Ang “WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program" ay naglalayon na matugunan ang gutom na nararanasan ng mga pamilya dahil sa mababang kita. Nais ng programang ito na masuportahan ang mga pamilyang Pilipino para matulungan sila na maging mas produktibong mamamayan at maging kabahagi ng pag-unlad ng bansa. Ninanais din ng programa na magkaroon ng kakayanan ang mga pamilyang mamili at kumain ng masustansyang pagkain.
Ang FSP ay isa sa priority program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang labanan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay ng PHP 3,000 food credits sa Electronic Benefit Transfer (EBT) card ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
Upang masiguro na makakakain ang mga pamilya ng iba’t ibang uri ng masusustansyang pagkain, ang maaari lamang na mabiling pagkain ay mula sa tatlong (3) grupo ng pagkain na binubuo ng 50% carbohydrates, 30% protein, at 20% fiber.
Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/
Pinagmulan: @dswdfo5
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Food Stamp Program? "