Anu-ano ang mga layunin ng Food Stamp Program?
On Pamumuhay
Alamin kung anu-ano ang mga layunin ng Food Stamp Program (FSP).
- Magbigay ng pagkain sa mga sambahayan sa pamamagitan ng tulong pinansyal gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards.
- Magtatag ng mga sistema at mekanismo upang maging abot-kamay ang mga serbisyo para wakasan ang kagutuman.
- Mapalakas ang kakayahan ng mga tagapagpatupad ng programa.
- Mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng sambahayan na mapalawak ang kakayanan upang makahanap ng trabaho at iba pang pagkakakitaan.
- Mahikayat ang mga sangay ng gobyerno pati na rin ang mga Small and Medium Enterprises, pribadong negosyo, Kadiwa at iba pang mga institusyon bilang mga kaagapay sa pagpapatupad ng programa.
Ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) ay isa sa priority program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang labanan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay ng PHP 3,000 food credits sa Electronic Benefit Transfer (EBT) card ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng Kagawaran, bisitahin ang opisyal na website ng DSWD sa: https://www.dswd.gov.ph/
Pinagmulan: @dswdfo5
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Anu-ano ang mga layunin ng Food Stamp Program? "