Ano nga ba limatik?
Kadalasan, ang mag taong umaakyat ng bundok ang kalimitang kinakapitan ng limatik.
Ang mga limatik ay nahahati sa mga parasito o predatory worm na kabilang sa Phylum Annelida at binubuo ng subclass na Hirudinea.
Malapit silang nauugnay sa oligochaetes, na kinabibilangan ng bulating lupa, at tulad ng mga ito ay may malambot, kalamnan, may mga segmentong katawan na maaaring pahabain at paikliin.
Paano maiiwasan ang limatik?
Kung bibisita ka sa isang lugar na may limatik, Ito ang mga bagay na paghandaan mo upang makaiwas o mapigilang kapitan o makagat ng mga ito.
Magsuot ng leggings at “rash guards” (kasuotan upang di makapitan) kumpara sa pantalon, shorts o “tees”. Magsuot ng di gaanong makolor na damit upang madaling makita ang mga maiitim na limatik kung sakaling dumikit sa damit. Kung dumikit sa damit, agad itong tanggalin upang maiwasang makagat.
Karamihan sa mga taong bihasa sa pag akyat sa mga bundok ang nagsabing and off lotion, detergent soap, at pinaghalong eucalytus oil (white flower), omega pain killer, at tubig ay mainaw na pangontra para hindi makapitan.
Maaaring dahil sa malakas nitong amoy ang dahilan kung bakit lumalayo ang mga limatik dito.
Ano ang gagawin kapag ang limatik ay pumasok sa iyong mata?
Huwag subukang hilain sapagkat maaring lalo lang mairita o di kaya’y maimpeksyon ang iyong mata. Gumamit lamang ng eye drop solution. Ang tuloy tuloy lang na pagpatak nito sa mata ang makakatanggal sa pagkakapit ng limatik. (Mahalaga ng magdala ng eye drop solution kung pupunta ng bundok ngunit kung sakaling makapitan at wala kang dala, bayaan lang ito at antaying kusang umalis sa iyong mata.
Ano ang gagawin kapag ang limatik ay kumapit sa iyong katawan o damit?
Ang isang pinakamahusay na paraan upang alisin ang nakakapit na linta sa iyong balat ay sa pamamagitan ng pagdulas ng iyong kuko o isang manipis na matibay na piraso ng materyal tulad ng isang plastic card sa ilalim ng nakakapit o nakakagat na linta hanggang sa mawala ang pagsipsip nito.
Hugasang mabuti ang kagat ng limatik gamit ang isang sabon. Ang sugat na dulot ng kagat ng limatik ay maaaring dumugo nang madami sapagkat ang kanilang laway ay “anti-coagulant.” Takpan lamang ito ng bendahe pagkatapos hugasan.
Sa daan, mas mabuti na magkaroon ng ilang solusyon ng asin na handang ihalo sa laway ng limatik at maiwasan ang labis na pagdurugo. Maaari mo ring gamitin ang cayenne pepper (pulbos-sili); sinasabing ito ay isang malakas na coagulant.
Makati ang kagat ng Limatik ngunit subukan mo ang iyong makakaya na huwag galawin ang sugat dahil maaari itong lumubha. Gumamit ng antihistamine kung kinakailangan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano nga ba limatik? "