mag-imprenta ng sobra-sobrang pera

Pwede bang mag-imprenta ng sobra-sobrang pera ang BSP? | @bangkosentral


Pwede bang mag-imprenta ng sobra-sobrang pera ang BSP? Bakit hindi na lang gumawa ang BSP ng maraming pera?


Bakit hindi pwedeng unlimited ang paggawa ng pera ng Bangko Sentral ng Pilipinas? Ano ang mangyayari kapag sobra-sobra ang umiikot na salapi sa ating ekonomiya?


Ang ating mga pera ay maaari nating ipambayad sa mga produkto at serbisyo, pero bakit hindi na lang gumawa ng mas maraming pera ang BSP. Maaari nating maranasan ang mataas na inflation o ang mabilis na pag-taas ng presyo ng mga bilihin kung mas marami ang umiikot na pera sa ekonomiya kumpara sa dami ng mga bilihin sa ating bansa at kapag mabilis na tumataas ang presyo ng mga bilihin, malaki ang mababawas sa ating purchasing power o ang kakayahang makabili ng ating pera. Kung noon makakabili ng isang kilong isda ang iyong isang daang peso, ngayon mababa na sa isang kilo o mababawasan ang dami ng isdang iyong mabibili 


Gaano karaming pera ang pwede nating paikutin sa ating ekonomiya?


Masusing pinag-aaralan ng BSP ang mga ankop na polisiyang makakaimpluwensiya sa dami ng perang umiikot sa ating bansa. Mahalagang magkaroon ng sapat na dami ng pera para maiwasan ang mabilis na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at para matustusan ang paglago ng ating ekonomiya.


Patuloy rin ang pagsubaybay ng BSP sa mga bagay na posibleng makaapekto sa mga polisiyang nagtatakda ng dami ng perang dapat umiikot sa ating ekonomiya. Itinataguyod at ipinapanatili ng  ng BSP ang  katatagan ng presyo ng mga bilihin at sistemang pinansyal sa bansa at makakatulong ito sa patuloy na paglago ng ating ekonomiya at sa pag-angat ng kabuhayan ng mga pilipino.


Mungkahing Basahin: