Automated Fare Collection System

Automated Fare Collection System (AFCS) | @bangkosentral


Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Automated Fare Collection System (AFCS) na inilunsad ng Department of Transportation at ng Land Bank of the Philippines.


Sa isinagawang AFCS Europay-Mastercard-Visa (EMV) Pilot Production Testing sa PITX, Paranaque City, ibinahagi ni BSP Governor Felipe M. Medalla na isinusulong ng BSP ang digital payments, kabilang ang sistema ng pagbabayad sa mga pangpublikong transportasyon.


Sa ilalim ng AFCS, maaari nang gamitin ang EMV cards sa pagbabayad sa mga pampublikong sasakyan, at pati na rin sa mga grocery at iba pang retail outlets.


Ang EMV ay contactless bank cards na maaaring magamit sa pamamagitan ng pag-tap nito sa isang payment terminal. Sumusunod ang mga EMV card sa global standards ng credit, debit, at prepaid card payments na may chip card technology. 


Para sa buong detalye ng proyekto, pumunta sa: https://bit.ly/AFCSDOTr


Mungkahing Basahin: