ano ang inflation

Ano ang Inflation? | Department of Finance (@dof_ph)


Ayon sa isang Pulse Asia survey, 6 sa 10 Pilipino ay naniniwala na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pangunahing suliranin sa bansa ngayon.


Ang inflation ang nangungunang alalahanin ng mga Filipino sa kasalukuyang panahon. Pero ano nga ba ang inflation at paano nito naaapektuhan ang ordinaryong mamimili?


Ang Inflation ay ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng pangkaraniwang serbisyo't produktong binibili ng mga konsyumer. Mas madali itong maiintindihan kung pamilyar tayo sa konsepto ng "consumer price index."


Ano ang Consumer Price Index?


Sa madaling salita, ang inflation ay ang pagtaas ng tinatawag na consumer price index (CPI). Ipinapakita nito kung gaano kalaki ang itinaas ng CPI sa nakalipas na taon o buwan.


Ano ang Inflation Rate?


Kung ang taunang o yearly inflation rate ay mas mataas, ibig sabihin, ang karaniwang halaga ng isang "basket" ng mga produkto ay mas mataas kumpara sa halaga nito sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ganito rin sa buwanang o monthly inflation rate.


Mungkahing Basahin: