maruruming pera

Ano ang dapat gawin sa mga maruruming pera o unfit banknotes? | @bangkosentral


Ang Unfit Banknotes ay perang papel at polymer na marumi, may mantsa, sulat o marka, kupas, at may labis na pagkalukot o pagkalupaypay, na hindi na angkop sa sirkulasyon ngunit matutukoy pa rin ang denominasyon at pagiging tunay nito.


Ano ang dapat gawin sa mga maruruming pera o unfit banknotes?


Ang mga unfit banknotes o maruruming pera ay pwede nating dalhin sa pinakamalapit na bangko upang mapalitan o di kaya'y maideposito sa ating account.


Ang ating pera ay yaman ng ating bansa kaya dapat natin itong ingatan.


Mungkahing Basahin: