May halaga pa ba ang sirang pera?
Ang mga perang katulad nito ay tinatawag na mga mutilated banknote. Ang mga mutilated banknote ay ang mga klase ng pera na sira-sira katulad ng
- Nasunog
- Inanay o
- Nginatngat ng aso.
May halaga pa ba ang perang ito?
Alinsunod sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Circular No. 829, series of 2014, May tatlong pamantayan o requirements ang Bangko Sentral upang ang mga sirang pera ay mapalitan.
Ito ay ang tatlong (3) S:
- Size
- Signature
- Security Thread
Ang size ay kailangan na may natirang 60% o animnapung porsiyento ng nasirang pera.
Ang signature ay kailangang may natirang alin mang portion o parte ng signature ng BSP governor o ng Presidente ng Pilipinas.
Kailangang nakikita pa rin ang security thread.
Ano ang dapat gawin sa mga sirang perang ito?
Ito ay dapat dalhin sa pinakamalapit na authorized bank, atdadalhin ito ng mga bangko sa BSP upang masuri kung ito ay may halaga pa.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay magbibigay ng opisyal na resulta sa mga bangko matapos ang pagsusuri. Ang mga sira-sirang pera na may halaga pa ay idedeposito ng BSP sa account ng bangko upang ang kaukulang halaga ng pera ay maibalik sa kanilang kliyente. Ang mga pera namang hindi pumasa sa requirement o pamantayan at wala ng halaga ay ipagbibigay alam ng bangko sa kanilang kliyente batay sa resulta na inilabas ng BSP.
Ang ating pera ay yaman ng ating bansa kaya dapat natin itong ingatan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " May halaga pa ba ang sirang pera? "