Sampung Dahilan (10) Kung Bakit Kailangang Mag-ipon

Ang mga sumusunod ay ang 10 dahilan kung bakit mahalagang mag-ipon:


  1. Hindi habambuhay ay may trabaho ka, dapat pagka-resign/retire ay may magagamit kang pera.
  2. Pag may ipon ka, magagamit mong emergency funds kung may biglaang pangangailangan.
  3. Hindi mo kailangang mangutang sa ibang tao kung ikaw ay may pagkakagastusan.
  4. Mabibili mo ang gusto mo sa oras na gustuhin mo dahil nakatabi lang ang iyong pera.
  5. May magagamit kang pondo kung maisipan mong magtayo ng negosyo.
  6. Hindi ka pwedeng maliitin ng ibang tao na wala kang pera, sa halip sila ay hahangaan ka pa.
  7. Gaganda ang kinabukasan ng iyong pamilya dahil maibibigay mo ang pangangailangan nila.
  8. May magagamit ka sa panahon ng sakuna at di mo na kailangan umasa sa tulong iba.
  9. Pwede mong ipasok sa investment ang naipon na pera para mas lumago pa.
  10. Hindi ka kinakabahan sa iyong kinabukasan atmayroon kang”peace of mind”.

Pinagmulan: CFO Pesos and Sense

Mungkahing Basahin: