Ano ang approved foreign investments?
Ano ang approved foreign investments?
Ating alamin kung ano nga ba ang approved foreign investments, gaano ito kalaki, at kung gaano karami na projected employment ang maibibigay nito sa ating bansa.
Ang Approved Foreign Investments (FI) ay halaga ng mungkahing kontribusyon ng mga dayuhan sa iba’t ibang mga proyekto sa bansa na naaprubahan at nakarehistro sa pitong Investment Promotion Agencies (IPAs).
Ito ay pamumuhunan ng mga dayuhan na maaaring isakatuparan sa hinaharap. Binubuo ito ng mga equity, loans, at reinvested earnings.
Investment Promotion Agencies (IPAS)
Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB)
Cagayan Economic Zone Authority (CEZA)
Clark Development Corporation (CDC)
Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)
Board of Investments (BOI)
BOI-Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BOI-BARMM)
Philippine Economic Zone Authority (PEZA)
Gaano kalaki ang naaprubahang foreign investments?
Ang kabuuang foreign investments (FI) na naaprubahan sa ikaapat na quarter ng 2020 ay umabot sa Php 36.5 bilyon. mas mababa ng 67.5% kumpara sa Php 112.1 bilyon sa parehong quarter noong 2019.
Anong bansa ang may malaking pamumuhunan sa Pilipinas?
Sa mga aprubadong foreign investments para sa ikaapat na quarter ng 2020, malaking bahagi ng pamumuhunan ay nagmula sa bansang United States of America (USA) na nagtala ng (36.7%) na kabuuang FI, na sinundan ng Taiwan (12.1%) at ng Japan (11.7%).
Ang foreign investments (FI) na mula sa bansang USA ay nagkakahalaga ng Php 13.4 bilyon, habang Php 4.4 bilyon mula sa Taiwan at Pnh 4.3 bilyon mula sa Japan.
Gaano kadami ang projected employment?
24,239 na trabaho mula sa investments ng mga dayuhan.
Pinagmulan: @PSAgovph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang approved foreign investments? "