On
Pag-antala o palugit sa pagbabayad ng utang, renta, bank check clearings at iba pa.

Para sa ating women micro entrepreneurs, narito po ang mga dapat tandaan ukol sa palugit o pag-antala sa pagbabayad ng utang, rentals, bank check clearings at iba pa:

BIR Revenue Memorandum Circular 28-2020
Ang pagpa-file ng 2019 Income Tax Return at pagpasa ng mga requirements ay extended hanggang May 30, 2020 ng walang multa.

DTI MC 20-04
Inaatasan ang mga mall operators at commercial landlords na i-wave ang pagbabayad  ng isang buwang renta para sa mga tindahang sarado sa panahon ng 30-day community quarantine sa Metro Manila.

SB Corp Moratorium on MSME Loans
Ang mga kasalukuyang borrower ng SB Corp. ay binibigyan ng isangn buwang palugit sa pagbabayad mula March 16 – April 14, 2020.

DOST-Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP)
May dalawang buwan (March-April) na repayment system ng walang interest at penalty para sa mga beneficiaries.

Loan Moratorium
Para sa mga beneficiaries ng Microfinance Council of the Philippines (MCPI) and the Alliance of Philippine Partners in Enterprise Development (APPEND).

Memorandum No. M-2020-008 ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Regulatory Relief para sa mga BSP supervised financial institutions na apektado ng COVID-19.

Pinagmulan: Philippine Commission on Women @PCWgovph

Mungkahing Basahin: