Ano ang Acquired Base Fee Charging?
Ano ang Acquired Base Fee Charging sa inter-banking transactions sa ATMs?
Ano nga ba ang bagong singil ng mga bangko sa interbank transactions?
Ayon kay Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno, ang acquirer base fee-charging model ay isang market base at transparent pricing model kung saan ang may ari ng ATM ang mga se-set ng fee para sa withdrawal at balance inquiry transactions. Ito lamang ay para sa mga consumer na magwiwithdraw or magbabalance inquiry sa mga ATM na hindi pagmamay-ari ng kanilang sariling bangko kasi kung gagamitin mo yung ATM ng sarili mong bangko wala pa ring charge yun.
Sa bagong sistema, makakapamili ka kung sino ang mas pinakamababa duon sa mga ATM sa iyong lugar kasi sa kasalukuyan walang insentibo yung mga ATM owners na lumabas ng Metro Manila at saka mga Region IV-A kasi nga iba yung pricing system, ngayon maeenganyo na sila dahil nga may posibilidad na kumita sila kung magiging bago na ang sistema at ganun pa man nilagyan ng maximum na pwedeng e-charge ng mga bangko, Php 18 maximun yun kung ikaw ay magwiwithdraw sa ATM na hindi ATM ng iyong bangko at saka Php 2 kung ito ay balance inquiry lang.
Pinagmulan: @PIADesk via @BangkoSentral
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Acquired Base Fee Charging? "