Pag-Ibig Balik Savings

 

Ang Pag-Ibig Balik Savings ay programa ng Pag-Ibig Fund kung saan ang buong ipon mo sa Pag-Ibig fund ay ibabalik sayo ng buo.


Pagdating mo sa gulang na animnaput limang taon (65), pwede mo nang makuha ang lahat ng iyong inihulog at inihulog ng iyong amo at pati na rin dibidendo na kinita na iyong pera mula sa Pag-Ibig Fund.


Upang makuha ang iyong ipon, Narito ang mga dapat mong gawin.


1. Kumuha ng kopya ng provident benefits claim form mula sa alinmang sangay ng Pag-Ibig Fund.

Maaari mo rin itong e-download mismo sa kanilang website.


2. Punan ang form at isumite sa pinakamalapit na sangay ng Pag-Ibig Fund kalakip ang kopya ng dalawang (2) valid ID.


Mayroong special lane na inilaan ang lahat ng sangay ng Pag-Ibig fund para sa inyo.


3. Maglaan ng anim (6) na araw upang maproseso ang iyong aplikasyon.


4. Ikaw bilang myembro ay maaaring personal na pumunta sa sangay ng Pag-Ibig fund upang tanggapin ang tseke o e-withdraw ang iyong Pag-Ibig savings sa ATM gamit ang Land Bank Cash Card o Pag-Ibig Citi Prepaid Card, depende sa iyong napiling pamamaraan.


Mungkahing Basahin: