Ano ang Islamic banking?
Ano ang Islamic banking?
Ang Islamic banking ay isang uri ng pagbabangko na hindi nagpapataw ng interes o “riba” sa anumang transaksyon. Sa halip, itinuturing ng Islamic bank na katuwang ang mga kliyente nito sa kita at risks sa pamumuhunang gagawin sa mga indibidwal o negosyo,
Ipaliliwanag ni BSP Assistant Governor Arifa A. Ala ang konsepto ng Islamic banking.
Maaaring mapanood ang buong panayam sa programang Laging Handa sa link na ito: https://bit.ly/LHIslamicB
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Islamic banking sa Pilipinas, bisitahin ang link na ito sa BSP website: https://bit.ly/BSP_IslamicBanking
Paano isinusulong ang Islamic banking sa bansa?
Magkatuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at pambansang pamahalaan sa pagsusulong ng Islamic banking sa Pilipinas.
Nagpapatupad ang BSP ng mga regulasyon upang matugunan ang mga natatanging detalye o katangian ng Islamic banking at matiyak ang maayos na operasyon at pag-unlad nito kasabay ng mga conventional bank.
Ipaliliwanag ni BSP Assistant Governor Arifa A. Ala ang mga hakbang ng BSP para palakasin ang Islamic banking sa Pilipinas.
Maaaring mapanood ang buong panayam ni BSP Assistant Governor Ala kasama si Philippine Economic Zone Authority Deputy Director General Aleem Siddiqui Guiapal sa programang Laging Handa sa link na ito: https://bit.ly/LHIslamicB
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Islamic Banking sa Pilipinas, bisitahin ang link na ito sa BSP website: https://bit.ly/BSP_IslamicBanking
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Islamic banking? "