Ano ang supply at demand

Ano ang supply at demand sa ekonomiks? | neda.gov.ph


Ang demand at supply ay isa sa mga pangunahing dahilan ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin. Upang matukoy ang presyo at bilang ng produkto at serbisyo, tinitignan ang ugnayan ng mga mamimili at nagbebenta sa merkado.


Law of Demand


Ang quantity demanded ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng mga namimili.


Ayon sa law of demand, bumababa ang demand kapag tumataas ang presyo. Gayundin, tumataas ang demand kapag bumababa ang presyo. Ang quantity demanded sa merkado ay ang kabuuang dami ng demand ng mga namimili sa bawat presyo.


Law of Supply


Ang quantity supplied ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang ibenta ng mga producers.


Ayon sa law of supply, dumadami ang supply ng mga produkto kapag mataas ang presyo, samantalang mas kokonti naman ang napo-produce kapag bumababa ang presyo. Nakadepende ang supply ng mga quantity sellers sa presyo ng mga produkto.


Ilan sa mga nakakaapekto sa demand ay income, prices of related goods, preferences expectations, at bilang ng mga buyers. Sa supply, nakakaapekto naman ang presyo ng mga raw materials at labor cost, paggamit ng teknolohiya, expectations, at bilang ng mga nagbebenta.


Mungkahing Basahin: