Dangal ng Wika
On Pamumuhay
Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang lahat ng nagmamalasakit sa Filipino at mga katutubong wika sa bansa na magpasa ng nominasyon para sa Dangal ng Wika 2020.
Ano ang KWF Gawad Dangal ng Wika?
Ang KWF Gawad Dangal ng Wika ay ipagkakaloob sa isang natatanging indibiduwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribado na may makabuluhang ambag o nagawa tungo sa pagsulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino kasama na ang mga katutubong wika sa Filipinas sa iba’t ibang larang o dominyo gaya ng batas, ekonomiya, pilosopiya, siyensiya at teknolohiya, agham panlipunan, araling kultura, edukasyon, at iba pang matatayog na disiplina.
Ang nominasyon at iba pang kahingian ay maaaring ipadala sa komisyonsawika@gmail.com o dalhin ng personal o ipadala sa koreo sa:
Lupon sa Dangal ng Wika 2020, Komisyon sa Wikang Filipino, 2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P.Laurel, San Miguel, Maynila.
Ang huling araw ng pagpapasa ay sa 15 Agosto 2020, 5:00 nh.
Basahin ang mga tuntunin:
1. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.
2. Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa animnapung (60) taón. Para sa mga samahán, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa labinlimang (15) taón.
3. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bilang pruweba.)
4. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat.
5. Ang mga nominasyon ay kinakailangang maglakip ng mga sumusunod na kahingian:
• KWF Pormularyo sa Nominasyon
• Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahan at nilagdaan ng nagnomina
• Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán)
• Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino
6. Ang nominasyon at iba pang kahingian ay maaaring ipadala sa komisyonsawika@gmail.com o dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:
Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2020
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
Ang hulíng araw ng pagpapása ng nominasyon ay sa 15 Agosto 2020, 5:00 nh. Kapag natanggap ang kumpirmasyon sa ipinadalang lahok, makakatanggap ng link para sa rehistrasyon. Tanging lahok lámang na may kompletong dokumento ang isasali sa hanay ng mga opisyal na nominado.
Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2020 ay tatanggap ng naturang gawad sa Pammadayaw: Araw ng Gawad sa Agosto 2020. Tatanggap ito ng tropeo, plake, at medalyon.
Bawat nominasyon ay kailangang may kalakip na resume ng nominado na naghahaylayt sa mga credentials nito. Kailangang may lakip na patunay (gaya ng photocopy ng mga tinanggap na karangalan, nalathalang mga aklat, ipinagwaging mga akda o obra, atbp.
Ang pasiya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago pa.
Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking o tumawag sa telepono blg. (632) 8736-2525/0928-8441349 at hanapin si Jose Evie G. Duclay o mag-email sa komisyonsawika@gmail.com (KWF)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Dangal ng Wika "