Bulaklak ng Everlasting
Madaling alagaan at padamihin ang everlasting dahil hindi ito nangangailangan ng tubig at hindi din ito nangangailangan ng masusing atensiyon. Ang mga binhi ng bulaklak nito ay puwede pa ding mabuhay kahit itanim ito matapos ang sampung taon.
Mahaba ang panahon ng pamumulaklak ng everlasting, karaniwang nagsisimula ito ng Hulyo hanggang Nobyembre. Kumpol-kumpol at marami kung mamulaklak ito. Tumataas ito ng hanggang 0.3 metro lamang. May sukat na 3 hanggang 4 na milimetro ang lapad ng bawat bulaklak at ang kulay nito ay matingkad na dilaw.
Ang mabuhok na dahon ng everlasting ay tumutubo sa magkabilang bahagi ng katawan nito. Ang mga dahon sa ilalim, iyong malapit sa lupa ay kumukurba paikot, samantalang tuwid naman ang mga nasa itaas na dahon.
Nagagamit din sa medisina ang everlasting. Ayon sa mga pagsusuri, ang bulaklak ay mayroong anti-inflammatory, antibacterial, cholagogic, diuretic at spasmolytic properties.
May natagpuan ding sangkap na pampabata sa lana at floral water ng bulaklak. Hinihikayat ng essential oil ng everlasting ang pagpaparami ng collagen ng balat kaya naman nakakapagpakinis ito ng balat. Ginagamit na ngayon ang lana ng everlasting sa mga produktong pampabata.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bulaklak ng Everlasting "