Kadena de Amor
On Pamumuhay
Ang kadena de amor (cadena de amor sa Espanyol) ay gumagapang paakyat na baging, bahagyang may tigas, salit-salit ang dahong hugis puso, lungtian, at tila nilagare ang gilid, at may kumpol-kumpol na bulaklak na putî o mapusyaw na pink.
Katutubo ito sa Mexico bagaman laganap ngayon sa buong Filipinas. Dalawa sa pangalang siyentipiko nito ang Antigonon leptopus Hook & Am. at A.cinerascens M. Martens & Galleotti.
Tinatawag naman itong bride’s tears, coral vine, Chinese love vine, queen’s wreath sa Ingles.
Ginagamit itong palamuti, lalo na ang tila tanikalang bulaklak na ipinampapaganda sa bouquet o korona ng bulaklak.
Sa ilang pook sa Pilipinas, ginagamit na pantapal sa sugat ang dahon. Nakakain ang bulaklak, at idinudulot na salad sa isang restoran sa Bohol.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kadena de Amor "