ano ang rtb 30

Ano ang RTB 30?


ALAM MO BA? Kamakailan lang, inilunsad ng Bureau of the Treasury (BTr) ang ika-30 tranche ng Retail Treasury Bonds (RTB 30) na may temang “Kaagapay Mo Sa Buhay.” Dito, pwede mag-invest ang mga ordinaryong Pilipino sa halagang PHP 5,000 lang.


Kasama ang RTB 30, ang PHP 5,000 mo ay tiyak na mas malayo ang mararating. Kasama mo ang gobyerno sa pag-asenso at nakakatulong ka pa sa pag-unlad ng bayan.


Ang RTBs o Retail Treasury Bonds ay isang uri ng investment na may fixed-income, ibig sabihin may tiyak na interes na kinikita ang investment mo kada kwarter ng taon. Ang RTBs ay itinuturing na mas ligtas at low-risk kumpara sa ibang uri ng investments dahil ito ay direktang suportado ng gobyerno.


Kung ikaw ay interesado dito, mahalagang alamin kung ano ang RTB 30 at mga benepisyo nito.



Paano mag-invest sa RTB 30?

1. Over-the-counter 

Maaaring magbukas ng peso account o I-designate ang iyong existing peso account sa Selling Agent kung saan ipapasok ang kinitang interes at principal payments o ang halagang iyong ipinuhunan.


2. BTr's Online Ordering Facility

Kung ikaw ay kliente ng mga sumusunod na bangko:

China bank

DBP

Landbank

FirstMetroSec


3. Mobile Banking

Maaari kang mag-invest sa mga sumusunod na mobile banking applications:

Landbank

OFBank


Maaari kang pumunta sa website ng BTr at doon mag-invest. Bisitahin lamang ang www.treasury.gov.ph at i-click ang RTB 30 Banner.


Pinagmulan: @dof_ph


Mungkahing Basahin: