value-added tax on digital services act

Ano ang VALUE-ADDED TAX ON DIGITAL SERVICES ACT? Bakit ito isinusulong ng pamahalaan?


Magandang balita! Ang Value-Added Tax on Digital Services Act ay nilagdaan na ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang batas ngayong October 2, 2024. Layunin nito na gawing patas ang pagpapataw ng buwis sa mga lokal at dayuhang kumpanya na nagbibigay ng digital na serbisyo sa Pilipinas. 


Ano ang Value-Added Tax on DIGITAL SERVICES?

Ito ay naglalayong gawing patas ang pagpapataw ng buwis sa mga lokal at banyagang nagbibigay ng digital na serbisyo sa Pilipinas.


Hindi ito panibagong buwis. Pinapalakas lang nito ang kakayahan ng BIR na makakolekta ng buwis sa lahat ng digital service providers (DSPs) na nagbibigay ng serbisyo sa Pilipinas upang gawing patas ang sistema.


Kasalukuyang sitwasyon:

1. Lokal na DSP - Nagbabayad ng 12% na value-added tax

2. Dayuhan na DSP - Hindi nagbabayad ng 12% na value-added tax


Ano ang mga halimbawa ng dayuhang DIGITAL SERVICE PROVIDERS

1. Video Games (Mobile games, download games, online games, at gaming network)

  • Activision
  • Nintendo

2. Video-on-Demand (Video streaming (SVoD))

  • Netflix
  • Prime video
  • HBO GO

3. Top TVoD and EST Services Vendors

  • iTunes Store
  • Google Play

4. Digital Music/Music Streaming

  • Spotify
  • Deezer
  • Apple Music


Ano ang mga serbisyong hatid ng DIGITAL SERVICE PROVIDERS?

Mga digital na serbisyong ginagamit sa Pilipinas gaya ng:

  • Online search engines
  • Online marketplaces
  • Cloud services
  • Online media
  • Online advertising
  • at iba pang  digital goods


Ano ang mga benepisyo ng BAGONG BATAS?

Pagpapalakas ng kompetisyon

Kahit ikaw ay isang lokal na negosyante o isang malaking dayuhang kumpanya, lahat ay pantay-pantay at susunod sa parehong mga patakaran.


Pagpapalakas ng mga pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng patas na pagbubuwis.

Tinatayang makakalikom ang gobyerno ng PHP 102.12 bilyon mula 2025 hanggang 2029. Ang pondong ito ay gagamitin sa mga proyektong direktang makikinabang ang mga Pilipino - tulad ng pagpapatayo ng mga paaralan, kalsada, ospital, at marami pang iba.


Abot-kayang edukasyon para sa lahat

Hindi papatawan ng buwis ang mga serbisyong pang-edukason, kabilang ang mga online courses, webinars, at iba pang digital na serbisyo. Bukod dito, ang mga digital na serbisyo na binebenta sa subscription sa mga institusyong kinilala ng DepEd, CHED, at mga SUC ay hindi rin papatawan ng buwis.


Suporta para sa creatives industry

Sa susunod na limang taon, 5% ng nalikom na buwis ay gagamitin nang eksklusibo para sa pagpapaunlad ng local creatives industry. Layunin nitong pasiglahin ang sektor at isulong ang inobasyon at pagiging malikhain ng mga susunod na henerasyon ng Pilipino.


Pinagmulan: @dof_ph


Mungkahing Basahin: