Simbahan ng Loon
Pinangasiwaan ng mga Rexoleto taong Oktubre 21, 1768.
Dulot ng pananalakay ng mga pirata, inilipat sa Moto ang simbahang gawa sa bato. Pinalibutan ng muog at mga kanyon, kalagitnaan ng 1770.
Nasunog ang simbahan maliban ang harapan taong 1850 at 1853.
Muling ipinatayo sa batong korales at isinaayos ang harapan ng dating gusali ayon sa disenyo ni Domingo De Escondrillas, Direktor ng Pampublikong Gawain sa Cebu, 1855-1864.
Ginamit bilang garison ng pwersang Amerikano sa kanilang kampanya laban sa mga kawal na Pilipino, 1901.
Ipininta ni Ray Francia ang mga larawan sa mga kisame ng simbahan, 1938.
Ipinahayag bilang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan at Pambansang Yamang Pangkalinangan, 2010.
Nagiba ng lindol noong 15 Oktubre 2013. Isinaayos ng Pambansang Museo ng Pilipinas, taong 2021.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Simbahan ng Loon "