Ang mga Heswita at mga Pransiskano

Ang mga Heswita at mga Pransiskano


Ang mga Pransiskano ay dumating sa Pilipinas noong 1578. Samantala, ang mga Heswita naman ay dumating noong 1581. Ang mga Pransiskano ay kilala bilang mga manggagamot na nagtayo ng mga pinakamahusay na ospital sa Intramuros.


Sa kabilang dako, ang mga Heswita naman ay mga alagad ng agham na sumiyasat sa daigdig at kalawakan. Itinatag nila ang pinakaunang obserbatoryo sa Pilipinas. Ang obserbatoryo ay isang lugar kung saan ang mga bituin at ang klima ay pinag-aaralan.


Pinagmulan: @intramurosph