konstitusyon

Ano ang konstitusyon?


Ang konstitusyon o kilala rin bilang saligang batas ay kinikilala bilang pinakamahalagang batas sa isang bansa. Ito ay kumakatawan sa isang kasunduan sa pagitan ng mga mamamayan para bumuo ng iisang balangkas ng mga alituntunin na siyang gagabay sa kanilang pakikipagkapwa at pamumuno sa isa’t isa.


Sa konstitusyon nakapaloob ang mga pinakamahalagang karapatan na nagbibigay ng proteksyon sa buhay, isipan, at ari-arian ng mga mamamayan. Madalas dito rin nakapaloob ang balangkas ng pamahalaan at ang magiging itsura nito.


Sa Kasaysayan ng Pilipinas, mayroon lamang limang (5) pagkakataon kung saan bumuo at naglathala ang sambayanang Pilipino ng isang saligang batas na siyang gumabay sa pagbuo ng ating bansa. Ito ang 1899 Constitution na bumuo sa Unang Republika ng Pilipinas, and 1935 Constitution na siya naming basehan ng Komonwelt, ang 1943 Constitution noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang 1973 Constitution noong panahon ng Batas Militar, at ang kasalukuyang 1987 Constitution na nabuo matapos ang EDSA People Power Revolution ng 1986.


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: