-->
Browsing Category " Aliwan "

Pinid

 

pinid

Isang hapon na puno ng sining at kultura ang masasaksihan sa pagtatapos ng Pambansang Buwan ng mga Sining! Halina't makisaya sa "PINID", ang opisyal na pagsasara ng pagdiriwang, ngayong February 26, 2025, 4PM, sa Metropolitan Theatre, Manila.


Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang ipagdiwang ang yaman ng ating sining at malikhaing diwa.


Halina't Maki-Sining!


Pinagmulan: nccaoffical (sundan sa Instagram)

Tatlong bersyon ng España y Filipinas

 

Tatlong bersyon ng España y Filipinas

Alam nyo ba? na mayroong tatlong bersyon ng España y Filipinas, ang kilalang pintang larawan ni Juan Luna?


Ipinapakita nito ang Espanya na gumagabay sa Pilipinas tungo sa liwanag ng pag-unlad habang lumalakad sa paakyat na landas na napaliligiran ng mga bulaklak.


Isang bersyon ang nilikha noong 1884 at matatagpuan ngayon sa National Gallery of Singapore. Mapapansin na ang suot ng mga babaeng kumakatawan sa dalawang bansa ay tila katulad ng mga diyosang Griyego na may koronang bulaklak. Sinasabing ito ay nilikha para kay Pedro Paterno at hinikayat nito ang Ministerio de Ultramar na magpagawa ng bersyon nila.


Isa pang bersyon ang tinatayang nilikha bandang 1886 o 1890 at nasa koleksyon ng Lopez Museum and Library. Kapansin-pansin na ang babaeng Pilipina ay nakasuot na ng baro't saya at may peineta na sa buhok. Posibleng itinanghal ito sa Pambansang Museo ng Pilipinas bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Isa pang bersyong may petsang 1888 ay bahagi na ng koleksyon ng Museo Nacional del Prado. Kapansin-pansin na ito ang pinakapino ang pagkakapinta sa tatlo. Pinaniniwalaang dati itong isinabit sa tanggapan ng Ministerio de Ultramar.


Sa pagdiriwang ng ika-22 Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol, nagpupugay tayo sa husay ni Luna na ipinamalas hindi lamang ng kanyang mga kababayan kundi ng buong daigdig. Kahit ang Hari at Reyna ng Espanya noon ay humanga sa sa kanya na nagdulot pa sa kanilang pagkakaibigan.


Dahil dito, itinampok natin ang bersyong nasa pangangalaga ng ating mga kababayan sa Lopez Museum at Library sa ating karatula ngayong taon.


National Gallery of Singapore via Google Arts & Culture (bersyong 1884), Lopez Museum and Library via WikiCommons (bersyong 1886 o 1890), Museo Nacional del Prado mula sa kanilang website (bersyong 1888)


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin:

Dalit

dalit

Sangayon kay Fray Gaspar de San Agustin (1703), ang dalit ang isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng matulaing pahayag sa buong Katagalugan. Ang isa pa ay ang “talingdáw” na isa diumanong tulang dramatiko at inaawit nang sagutan. Ngunit sa dalít “ipinahahayag ng mga Tagalog ang kanilang matatayog na kaisipan at mabibigat na damdamin.” Sa pamamagitan ng mga halimbawa ni San Agustin at ibang dokumento ay lilitaw na may isang tiyak na anyo ang dalít. Isang tula ito na maaaring mabuo sa isang saknong, gaya ng “tanága” at “diyóna,” at binubuo ng apat na taludtod na may sukat na wawaluhin ang bawat taludtod. Narito ang isang mapagpatawang dalít noon:


Isda akong gagasapsap,

Gagataliptip kalapad,

Kaya nakikipagpusag,

Ang kalaguyo’y apahap.


Totoong popular ang dalít dahil nakasulat sa anyong ito ang mga unang nalathalang tula sa panahon ng mga Español. Isang mahusay na makatang misyonero, si Fray Pedro de Herrera, ang naglathala ng isang koleksiyon ng tula noong 1645 at tinawag niyang mga “dalit” ang 185


saknong na mga tula tungkol sa kamatayan at pag-akyat sa Langit. Marami sa mga patulang awit na panrelihiyon ang gumamit ng saknungang dalít, gaya ng “Panunuluyan” kung Pasko at “Pangangaluluwa” kung Todos los Santos. Ang awit sa “huwégo de prénda” kung lamayan ay gu-magamit ng anyong dalít, gaya sa sumusunod na koro:


Sa Diyos natin ialay Kaluluwa ng namatay; Patawari’t kaawaan

Sa nagawang kasalanan.


Ito rin ang anyo ng saknong na ginamit sa pasalaysay na “korído.” Sa kasamaang palad, pagdating ng ika-19 siglo, higit na naging popular ang naturalisadong sukat na lalabindalawahin na ginamit sa pasalaysay na awít, gaya sa Florante at Laura ni Balagtas. Bihira na ang gumamit ng anyong dalít sa mga makata ng ika-20 siglo. (VSA)


Pinagmulan:https://www.facebook.com/NCCAOfficial/


Mungkahing Basahin:

Panata sa Kalayaan

 

Panata sa Kalayaan

Panata sa Kalayaan ni Amado V. Hernandez | @theheritagecollective


Kitlin man ang buhay ko't biyakin a bungo.

Sa bungo ko'y nakalimbag pa rin sa sariwang dugo.

"Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko"


Mungkahing Basahin:

Sighigan mo ngona an sadiring natad

Sighigan mo ngona an sadiring natad


Para sa ika-walo at huling wika na ating itatampok ay isang kasabihan mula sa wikang Bicolano.


“Sighigan mo ngona an sadiring natad

Bago ka maninghid kan sa ibang natad.”


Bicolano


“Sweep your own yard,

before you sweep another’s.”


English


Salamat sa pagsubaybay sa aming WIKANG PAMANA ngayong Buwan ng Wika at Kasaysayan 2020. Ating mahalin, pahalagahan at ipagdiwang ang iba’t ibang mga dayalekto ng ating bansa!


Salamat muli, mga Ka-Pamana!


Mungkahing Basahin:

Piko

pikoPiko | @grupokalinangan


Ang piko ay ang isa sa mga pinakasikat na larong kalye sa Pilipinas. Popular din sa ibang bansa na may iba at sariling panuntunan.


Materyales: Chalk o kahit anong pang marka sa sahig na makakaguhit ng linya. Maaari ring gumamit ng stick kapag ang sahig ay lupa.


Isang makinis at patag na bato na magsisilbing pamato ng bawat manlalaro.


Manlalaro: Mag-isa o grupo.


Saan lalaruin?: Sa labas ng bahay.


Ang layunin ng laro ay makatungtong at makabalik ang isang manlalaro mula sa “starting point” hanggang sa dulong kahon.


Gamitin ang diagram (larawan sa itaas) bilang basehan sa pagguhit ng mga kahon sa sahig. Maaaring gumamit ng yeso o batong magaspang bilang pangguhit sa sementadong sahig, at patpat kung ang sahig ay lupa.


Ang disenyo ng mga kahon ay maaaring mag-iba-iba base sa lugar kung saan nilalaro ang Piko. Mayroong baryasyon kung saan umaabot sa sampu ang bilang ng mga kahon.


Ibahagi nyo naman samin ang inyong mga ala-ala sa paglalaro nito! ——– Paraan kung paano laruin:

1.Gamit ang chalk (yeso) o patpat, gumihit ng mga kahon na rectangle (parihaba) o square (pariksukat) na bilang 1 hanggang 10
2.Ihagis ang pamato sa unang kahon. Dapat pumasok ang pamato sa kahon at hindi dumapo sa linya.
3.Tatalon gamit ang isang paa sa mga isang kahon at dalawang paa naman sa dalawang kahon na magkatabi na bilang 4-5 at 7-8.
4.Sa ikasampung kahon ay iikot ang manlalaro para bumalik.
5.Tumigil sa ikalawang kahon upang kunin ang pamato sa unang kahon na hindi natutumba o lumalampas sa guhit. Tumalon sa kahon at bumalik sa espasyo kung saan nag-umpisa.
6.Gawin ang pagtapon ng mga pamato hanggang ikasampung kahon pati paglundag na paglalaro. Ang manlalaro na mali o lampas ang paghagis sa mga pamato o matutumba sa paglundag ay titigil pansamantala upang tumira ang iba. Ang unang manlalaro na makakakumpleto hanggang iksampung kahon ang magiging panalo sa laro.


Mungkahing Basahin:

Hebalo: Bugtong mula sa wikang Waray

Hebalo: Bugtong mula sa wikang Waray


Nagtanum ako ug usa

ka puno sa taliwala sa

laud,

walay laing

nakakoha ug dili anh

akon hinahuna.


Hebalo


I planted a tree in the middle of the sea,

nobody can get it except me.


Knowledge


Mungkahing Basahin: