On

 

Tatlong bersyon ng España y Filipinas

Alam nyo ba? na mayroong tatlong bersyon ng España y Filipinas, ang kilalang pintang larawan ni Juan Luna?


Ipinapakita nito ang Espanya na gumagabay sa Pilipinas tungo sa liwanag ng pag-unlad habang lumalakad sa paakyat na landas na napaliligiran ng mga bulaklak.


Isang bersyon ang nilikha noong 1884 at matatagpuan ngayon sa National Gallery of Singapore. Mapapansin na ang suot ng mga babaeng kumakatawan sa dalawang bansa ay tila katulad ng mga diyosang Griyego na may koronang bulaklak. Sinasabing ito ay nilikha para kay Pedro Paterno at hinikayat nito ang Ministerio de Ultramar na magpagawa ng bersyon nila.


Isa pang bersyon ang tinatayang nilikha bandang 1886 o 1890 at nasa koleksyon ng Lopez Museum and Library. Kapansin-pansin na ang babaeng Pilipina ay nakasuot na ng baro't saya at may peineta na sa buhok. Posibleng itinanghal ito sa Pambansang Museo ng Pilipinas bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Isa pang bersyong may petsang 1888 ay bahagi na ng koleksyon ng Museo Nacional del Prado. Kapansin-pansin na ito ang pinakapino ang pagkakapinta sa tatlo. Pinaniniwalaang dati itong isinabit sa tanggapan ng Ministerio de Ultramar.


Sa pagdiriwang ng ika-22 Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol, nagpupugay tayo sa husay ni Luna na ipinamalas hindi lamang ng kanyang mga kababayan kundi ng buong daigdig. Kahit ang Hari at Reyna ng Espanya noon ay humanga sa sa kanya na nagdulot pa sa kanilang pagkakaibigan.


Dahil dito, itinampok natin ang bersyong nasa pangangalaga ng ating mga kababayan sa Lopez Museum at Library sa ating karatula ngayong taon.


National Gallery of Singapore via Google Arts & Culture (bersyong 1884), Lopez Museum and Library via WikiCommons (bersyong 1886 o 1890), Museo Nacional del Prado mula sa kanilang website (bersyong 1888)


Pinagmulan: @nhcpofficial


Mungkahing Basahin: