Pambansang Buwan ng mga Sining

Pambansang Buwan ng mga Sining | @museongbaliwag


Ang buwan ng Pebrero ay ipinagdiriwang bilang Pambansang Buwan ng mga Sining. Ito ay nakabatay sa Presidential Proclamation No. 683 na nilagdaan noong 1991 ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ang proklamasyon ay nagsasaad na ang iba't ibang disiplina ng sining ay "kailangang pangalagaan, pagyamanin, at paunlarin sa isang klima ng malayang masining at intelektwal na pagpapahayag." Ang Museo ng Baliwag ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito bilang pangunahing pangkultural na institusyon na siyang nangangalaga, nagsusulong, at nagtataguyod ng lokal na sining ng Baliwag sa pamamagitan ng paghahanda ng ilang aktibidad para sa mga Baliwagenyo.


Ang tema mula sa Pambansang Komisyon para Kultura at mga Sining ngayong taon ay “Ani ng Sining, Bunga ng Galing” Ang temang “galing” ay tumutukoy sa kahusayan sa sining sa kabila ng mapanghamong panahon. Ito rin ay tumutukoy sa kahusayan sa sining gayundin ang pagbibigay-diin sa kapasidad ng sining na pagalingin at patuloy na pagyabungin pagkatapos ng mga kinaharap na hamon.


Mungkahing Basahin: