Masaganang Ani sa Tayabas
Masaganang Ani sa Tayabas
Ang NPF Traveling Exhibit ay tutungo sa Tayabas, Quezon!
Bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ng Mayohan sa Tayabas, inihahandog ng Nayong Pilipino Foundation ang Masaganang Ani Sa Tayabas.
Halina’t ipagbunyi ang mga biyaya ng ating kalikasan at ng ating mga natataging kakayahan! Layon nitong ipagdiwang ang likas at kultural na pamana ng Tayabas at buksan ang usapin hinggil sa kahalagahan ng kultura, hindi lamang tungo sa pagkamit ng ating pambansang pagkakakilanlan, kundi pati na rin sa pagtamasa natin ng likas-kayang pag-unlad.
Magbubukas ito sa ika-05 ng Mayo 2023 habang ang opisyal na pagpapasinaya ay gaganapin sa ika-15 ng Mayo 2023 sa Casa Comunidad de Tayabas.
Ang eksibisyong ito ay naging posible dahil sa pakikipag tulungan sa Lungsod ng Tayabas, Quezon, sa Cultural Heritage Preservation Office at Tourism Administrative Section nito, at sa Oplan Sagip Tulay – Tayabas Heritage Group, at pinangasiwaan ni Victor P. Estrella
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Masaganang Ani sa Tayabas "