Habanera
Pinaniniwalaang naging popular ito sa Filipinas noong pagtatapos ng siglo 19 bilang intermisyon ng sarsuwela na dumating sa bansa noong 1878. Itinuturing itong isang uri ng sayaw na Maria Clara mula sa tauhan sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal dahil nakasuot ng damit Maria Clara ang mga babaeng sumasayaw nito.
Tradisyonal na isinasayaw ang habanera botolenya para sa papaalis na pari sa Botolan, Zambales. Kalaunan ay naging sayaw ito sa kasal, binyag, o pista. Ang ilan pang bersyon ng habanera ay habanera capizeña mula sa Capiz, habanera jovencita mula sa Pampanga, at habasinan mula sa Pangasinan.
Mayroong tempong habanera ang awiting tulad ng “Walay Angay” ng mga Bisaya, “May Isang Bulaklak na Ibig Lumitaw” ng mga Tagalog, at “Ti Ayat ti Maysa nga Ubing” ng mga Ilokano, “La Flor de Manila” ni Dolores Paterno, “Recuerdos de Capiz” ni Julio Nakpil, “Ikaw Rin” ni Nicanor Abelardo, “Anong Ligaya Ko” ni Francisco Santiago, “Hatinggabi” ni Antonio Molina, at “Ulila sa Pag-ibig” ni Juan Hernandez.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Habanera "