-->

Dukalpa

dukalpa
Dukalpa | @BorntobeWildGMA


Dukalpa ang tawag ng ilan sa mga pit viper dahil ang ibig sabihin nito sa salitang Bicol sa Sorsogon ay ‘nalulupa’ o ‘nabubulok’ sa Tagalog.


Mildly venomous ang mga pit viper. Nagiging sanhi ng ‘necrosis’ ang kanilang venom kung saan maaaring mabubulok ang natuklaw na parte ng katawan ng tao.


Alam n’yo ba na isa sa mga katangian ng pit vipers ang pagiging mahiyain?


Hindi sila basta-basta gumagalaw. Minsan ay mas pinipili nilang umalis. Umaatake lang sila kapag sila ay nasaktan.


Mungkahing Basahin:

Skin Cream na Ginamitan ng Space Technology

Skin Cream na Ginamitan ng Space Technology


Ano ang iyong skincare routine para maging fresh and young-looking sa darating na Araw ng mga Puso? Alam mo ba na may skin cream na ginamitan ng space technology?


Sa pamumuno ni Dr. Thomas J. Goodwin, isang mananaliksik at imbentor mula sa Johnson Space Flight Center ng National Aeronautics and Space Administration (@nasa), nabuo ang isang rotating wall vessel (RWV) bioreactor na kayang gayahin ang kondisyon ng microgravity. Sa teorya ni Dr. Goodwin, ang mahabang ekspedisyon sa kalawakan ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ng mga astronaut dahil sa mga oxidative at toxic products. Matapos ang pag-aaral sa iba’t-ibang human tissue sa loob ng RWV bioreactor, sila ay nakapag-produce ng biomolecules na may regenerative qualities, kasama na rito ang fibroblast para sa cell connectivity.


Sa pamamagitan ng technology transfer, ginamit ng kumpanyang Renuèll Int’l Inc. ang RWV bioreactor sa mga cosmetic products. Base sa kanilang pag-aaral, habang tumatanda ang isang tao, nababawasan ang produksyon ng fibroblast cells sa katawan na nagdudulot ng pagkulubot at ‘di pantay na kulay ng balat. Dito na nabuo ang isang skin cream na ginamitan ng human fibroblast mula sa RWV bioreactor na nakatutulong ibalik ang sigla sa balat at magkaroon ng skin rejuvenation—para sa fresh and young-looking skin!


Mungkahing Basahin:

Ano ang Loterya ?

Ano ang Loterya ?


Ang Loterya ay isang sugal.


Panahon pa lang ng mga Espanyol ay nasa kamalayan na ng mga Pilipino ang sugal na loterya. Taong 1833 pa lang nang una itong ipinakilala sa atin ng mga Espanyol, at dahil nasa ugat na ng mga Pilipino ang sugal mula pa noong prekolonyal na panahon, mabilis na tinangkilik ang loterya dahil na din mabilis ang proseso ng pagtataya. At upang maisalegal na ang loterya, una itong ginawa sa Maynila noong Enero 29, 1850.


Inilabas ang isang royal decree na pumapayag sa operasyon ng loterya sa Maynila. Dahil dito ay naitatag ang Real Renta de Loteria at ang unang draw ng mga taya ay isinagawa noong ika-21 ng Enero, 1851. Ang Real Renta de Loteria an ninuno ng kasalukuyang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Ang loterya ang ginamit ding instrumento ng pamahalaang Espanyol para mapagkukunan ng kita ng pamahalaan. Maging ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay mananaya rin ng loterya. Nanalo siya ng P 6,200 sa loterya habang nasa Dapitan siya, at ginamit ang napanalunan niya para matustusan ang mga proyekto niya sa Dapitan.


Napilitang ihinto ang operasyon ng loterya noong ika-19 ng Hunyo, 1898 dahil na rin sa Digmaang Espanyol-Amerikano.


Pinagmulan: @socsciclopedia


Mungkahing Basahin:

Libreng Swab Test sa Maynila

Libreng Swab Test sa Maynila


PAALALA: Sa Lungsod ng Maynila, HINDI MO KAILANGAN GUMASTOS.

Prayoridad ng lungsod ang makapagsalba ng buhay. Libreng Swab at libreng gamot kontra COVID-19.


Bilang sukli, maging mga responsableng mamamayan tayo. Kapit lang. May awa ang Diyos!


Libreng Swab Test sa

  • Gat Andres Bonifacio,
  • Justice Jose Abad Santos,
  • Ospital ng Maynila,
  • Ospital ng Tondo,
  • Ospital ng Sampaloc, at
  • Sta Ana Hospital


Mobile


(0915) 065-6335
(0995) 496-6176
(0961) 062-7013
(0961) 628-1414
(0960) 822-9384
(0977) 729-7572


Landline


8926-2385
8926-2380
8926-2383


Mungkahing Basahin:

Ang Huling Paalam ni Jose Rizal

Ang Huling Paalam ni Jose Rizal


Ginugol ni Dr. Jose Rizal ang ilan sa kanyang mga nalalabing oras sa pagsusulat ng mga liham para sa kanyang mga mahal sa buhay. Sinulat din niya ang kanyang huling tula na pinamagatang “Mi Ultimo Adios”.


Alam mo ba na ang nasabing tula ay orihinal na walang pamagat? Ang pamagat na “Mi Ultimo Adios” ay unang ibinigay lamang ni Padre Mariano Dacanay.


Ipinahayag sa nasabing tula ni Rizal ang kanyang pamamaalam sa kanyang bayang tinubuan. Inilarawan din niya dito ang mga katangian ng isang ulirang anak, maunawaing kapatid, masidhing mangingibig, at matapat na kaibigan. Ipinahayag niya rin dito ang kanyang kahandaan na ibuwis ang kanyang buhay para sa ating bayan.


Narito ang kabuuan ng tula na nasusulat sa wikang Kastila, at ang salin nito sa wikang Filipino na isinalin ni G. Elias Avenido, Content Contributor for History ng SocSciclopedia.

Paalam, Bayan kong hinirang ng araw

Perlas ng Silangan, naglahong Paraiso

Lugod kong iaalay ang buhay kong lanta

Ito ma’y makulay, sa ‘yong ikagagaling


Sila’y nagbuwis sa ‘yo ng buhay sa laban

Takot ay di hadlang , saan man ginanap

Sa laban man, o sa berdugo nakitlan

Ito ma’y kung hingin ng Bayang Tahanan


Ako’y papanaw sa pagsikat ng araw

Masdan, taglay niyang kinang, pagtapos ng dilim

Dugo ko’y isaboy sa liwanag na salat

Nang mapag-ibayo ang kulay niya’t sigla


Sa ‘king pagkabata, hanggang magbinata

Hangarin ko’y siya pa ring hangad

Makita ang dilag, Hiyas ng Silangan

Nang may rikit, at wala nang tangang luksa


Mithi ng buhay ko’y may nasang magningas

Mabuhay! Hiyaw ng diwang paalpas na

Makitil ma’y giliw ko, matanghal ka lang

At mahimlay sa ‘yong piling magpakailanman


Kung sa libingan ko’y mapadaan ka man

Na tiwangwang, madamo’t may ‘sang bulaklak

Ako’y yapusin ng kalinga mo’t aruga

Sa ilalim nitong malamig na lupa


Hayaang ang sinag ng araw at ang buwan

At ihip ng hangi’y doon mangibabaw

Hayaang awitin ang imnong payapa

Kung may ibong dumapo sa krus ng himlayan


Hayaang isingaw ng init ang hamog

Kasama ang hinagpis na ‘king dalahin

Hayaang may tumagis do’n sa aking sinapit

Idalangin mo, ako’y mapiling na sa Diyos


Idalangin mo, yaong mga binusabos

Mga naulila at inang nabalo

Mga piniit, inusig at sa ‘yo rin

Idalangin mo na paglaya mo’y makamit


Kung libingan ko’y nabalot na ng dilim

Huwag magambala ang taglay niyang hiwaga

Doon ma’y isang himig ang iyong maririnig

O Bayan ko, ika’y aawitan ko rin


Kung limot na’t walang bakas ang libingan ko

Hayaang bungkalin na ito’t hukayin

At ang aking labi’y ikalat sa lupa mo

Nang doon, sila’y lubos nang maglalaho


Walang anuman sa ‘kin kung akoy limutin

Kaulapan, kaburula’y aking lilibutin

Ako’y ilaw at huni sa mata’t pandinig

Pananalig na taglay, laging uulitin


Bayan kong hirang, kirot mo’y siyang aking kirot

Sintang Filipinas, akin nang iiwan

Paalam ko’y dinggin, at ako’y tutungo

Kung saan kapayapaan at Diyos ang hari!


Paalam, mga kapatid ko’t kabata

Salamat, at pagkahapo ko’y natapos na

Paalam, kabiyak ko’t mga ginigiliw

Ang mamatay ay aking pamamahinga!



Pinagmulan: @socsciclopedia (Instagram)


Mungkahing Basahin: